^

PSN Opinyon

'Bukod kang pinagpala...'

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
IPINAGDIWANG kahapon sa iba’t ibang panig ng mundo ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan.

Naalala ko ang mga ina na nag-aruga sa kanilang mga anak sapul nang ang mga ito’y nasa kanilang sinapupunan pa lamang hanggang sa kanilang paglaki. Naalala ko rin ang aking mga kapatid na babae na nagdulot ng kasiyahan sa aking paglago bilang isang tao.

Sa aking pakikisalamuha sa mundo, sa pagtahak sa mga gampanin at tungkulin na naiatang sa akin, naalala ko sina Aling Encar, Aling Julie, Rosa, Dang, Violy, Ling na pawang mga taga-Tondo, Maynila na nagsusumikap mabuhay ng marangal sa kabila ng kanilang kahirapan. Naalala ko si Desa, si Tessie, si Gloria na nag-aasikaso ng aming mga damit at pagkain sa komunidad ng mga pari. Ganoon din sina Edna at Linda na tagasagot ng aming telepono sa aming kumbento.

Naalala ko sina Sanny, Margie, at iba’t ibang mga coordinators na babae ng aming pangkat base sa Isla ng Alabat, Quezon Province tulad nina Olive, Mila, Etchie, Rose, Arjean, ganoon din ang nangunguna sa Task Force Kababaihan na si Yollie, at lahat ng mga miyembrong kababaihan ng AKKAPKA-CANV. At hindi ko maaaring makalimutan ang pag-alala kay Tess, ang fulltime staff ng aming samahan na gumaganap na Director ng aming samahan, sa kanyang walang-sawang pag-aasikaso sa mga gawain ng buong organisasyon.

Sa pag-alala ko sa mga taong nabanggit, at mga hindi tinuran ng isa-isa, ang gawain ng mga kababaihan at higit sa lahat ang kanilang mga katauhan ay nakapagbibigay-sigla sa ating mundo. Higit sa lahat, sa paggunita ko sa Araw ng mga Kababaihan, nanumbalik sa aking diwa ang bukod-ta- nging babae–si Maria, Ina ni Jesus, na ating Manunubos, at Reyna ng Langit at Lupa.

Sa katauhan ni Maria, nabuo ang balakin ng ating Panginoon na maligtas ang sangkatauhan at mapanumbalik ang pagiging mga anak ng Diyos ng mga taong kanyang nilikha, kahapon, ngayon at magpakailanman.

Babae, bukod kang pinagpala… Sa iyo at sa pamamagitan ng Inang Kalikasan, nakaatang ang mahalagang tungkulin na pagyamanin ang mundo upang higit na mapaluwalhatian ang ating Diyos.

Mabuhay ang mga kababaihan!

ALING ENCAR

ALING JULIE

DIYOS

INANG KALIKASAN

KABABAIHAN

NAALALA

PANDAIGDIGANG ARAW

QUEZON PROVINCE

TASK FORCE KABABAIHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with