Noong nakaraang linggo, nagpapatrulya sa may San Jose, Tarlac, ang grupo ng DENR at Bantay Kalikasan Task Force ng Tarlac, nakadakip ng 1,800 board feet ng ilegal na troso na nagkakahalaga ng P55,800. Ang mga troso ay iniwan ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan matapos silang sitahin.
Habang pabalik na ang grupo ng DENR sa kanilang base, inambush sila. Tatlong forest guard at isang volunteer ang malubhang nasugatan. Sina Forest guards Solomon Balot, Benny Transfiguracion, Salvador Principe at volunteer Florante Catacutan ay malubhang nasugatan at kasalukuyan nagpapagaling sa Tarlac Provincial Hospital.
Ang ganitong mga pangyayari ay bahagi lamang ng tungkulin ng mga empleyado ng departamento, partikular ang mga forest guards na nakikipaglaban sa mga armadong ilegal na mangangahoy. Hindi aatras ang DENR sa panganib ng ganitong kampanya. Maaaring masaktan, pero siguradong tuloy pa rin ang laban.