Ang migraine ba ay cancer? (Ika-2 bahagi)
January 30, 2005 | 12:00am
NARITO ang karugtong ng mga kasagutan ko sa mga tanong na may kinalaman sa cancer. Ipagpapatuloy ko ang pagtalakay sa cancer bilang pag-observe sa "Cancer Consciousness Week".
Ang migraine ba o ang madalas na pagsakit ng ulo ay sintomas ng tumor sa utak?
Ang migraine ay hindi cancer. Ganoon pa man kung ang isang tao ay madalas na pahirapan ng kanyang sakit sa ulo at hindi naman ito nakakayang pagalingin ng mga gamot, kailangan na rito ang masusing examination sapagkat ang pananakit ay maaaring dahil sa tumor sa utak.
Ang madalang bang sexual activity ng kalalakihan ay maaaring maging dahilan ng cancer sa prostate?
Ang tunay na dahilan ng cancer sa prostate ay hindi pa natutuklasan. Hindi pa napatutunayan kung ang labis o kulang na pakikipag-sex ay nagiging dahilan ng cancer sa prostate. Ang best advice para sa mga kalalakihan ay ang katamtamang pakikipag-sex.
Maaari bang magkaroon ng breast cancer ang mga kalalakihan?
Oo, maaaring magka-breast cancer ang mga kalalakihan. Ganoon man ang female to male ratio ay hundred to one. Ang breast cancer kapag tumama sa mga kalalakihan ay masyadong delikado o nakamamatay.
Ano ang mga palatandaan o sintomas ng cancer sa cervix?
Ang mga sintomas ng cancer sa cervix o kuwelyo ng bahay bata ay ang vaginal bleeding o discharge na may masamang amoy. Makirot. Pagbaba ng timbang. Kung ang babae ay may mga sintomas na ganito, kumunsulta sa isang OB-GYN para sa proper examination.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended