Para naman kay Jessie Chua ng Pasig City: Tama ang ginagawa mong pagpapahinga pagkatapos ng basketball. Ang mga tinitake mong medicines ay okey lang. Kung maari, subukan mong lagyan ng warm compress ang apektadong area. Maari kang mag-take ng ibang medications na prescribed ng iyong doktor.
Para kay Jennifer Cabreros ng Manila: Ang pagkakaroon ng kakambal ay mahirap din. You may or may not have familiar tendencies at all. Maaari kang magpa-DNA test sa alinmang ospital na gugustuhin mo. Maaari kang pumunta sa Fabella Hospital sa Maynila.
Para kay F. Tutud ng Mabolo City: Hindi ko alam kung makabibili ka ng Lumbrokinase sa Cebu. Titingnan ko. Ang sigurado, mabibili dito sa Manila ang Lumbrokinase. Magtanong sa Mercury Drug.
Para kay Ms. Virgo: Ang varicose veins mo ay maaaring ma-cured ng Daflon. Ang vein stripping ay maaari lamang gawin sa mga maseselang kaso. You can use warm water for your treatment.