Kayat timely lang ang paglunsad ni Ramon Chito Villavicencio, presidente ng Flying V ng programang Jeepney Village na naglalayon na mabigyan ng pabahay ang ating mga jeepney drivers. Hindi lang yan! Nasa ilalim din ng programa ang pagbili ng Flying V ng mga jeepney at ipamudmod sa mga tsuper sa alituntuning boundary-hulog system. Dahil sa Jeepney Village program ni Villavicencio at ang kaagapay na kampanya ni PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay laban sa mga kotong cops, eh hindi nalalayo na makakahinga na rin ng maluwag ang libu-libong mga drivers. At kung nagawang tulungan ng Flying V ang naghihirap nating mga driver, bakit hindi kayang gawin ng mga major oil players, eh milyun-milyon ang kita nila sa ating bansa? He-he-he! Sanay na kasing makita ng mga opisyales ng major oil players na naghihirap ang mga Pinoy. Mga manhid!
Inilunsad ni Villavicencio ang Jeepney Village sa ilalim ng memorandum of agreement na pinirmahan niya at mga opisyales ng Philippine Confederation of Drivers Organizations-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO), Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Alliance of Transport Operators, Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Makati Jeepney Operators Drivers Association, (MJODA), at ng Academe Foundation, a non-profit, non-stock organization. Nakikita ko dito ang Bayanihan Spirit ng mga Pinoy ah! Ang pondo na inilaan ni Villavicencio sa Jeepney Village ay P25 milyon. May paunang 128 housing units na ipapatayo itong Flying V sa lote na inilaan ng Rizal provincial government sa isang private foundation. Sa boundary-hulog system naman, ang pag-angkat ng mga jeepney ay sa pakipagtulungan sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Maganda ang naging reaction ng ating mga tsuper sa programa ng Flying V nga. Tinawag ni Efren de Luna, PCDO-ACTO president, ang programa ng Flying V na isang long-lasting help from an oil company that goes beyond the band-aid types of solving problems. Pinasalamatan ni De Luna si Villavicencio sa pioneering effort niya na sinisiguro niyang mapaunlad nito ang pamumuhay ng mga tsuper. Ayon naman kay Medardo Roda, Piston president, isang breakthrough ang inumpisahan ni Villavicencio.
Malaking tulong sa kanilang mga maliliit na driver ang programa ng Flying V, ani Roda. Ayon naman kay Villavicencio ang Project Jeepney Village ay purely social, civic and corporate endeavor na ang pangunahing layunin ay tulungang lumuwag ang pamumuhay ng ating mga tsuper. The project is a modest example of how stakeholders in an industry can work together to address two of every familys most basic needs-housing and livelihood. We hope to create a prototype that other may also adopt and expand. aniya.