Noong araw ang mga ganitong pangyayari ay bihira kahit sa mga pamilyang nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupa at iba pang ari-arian. Bagamat nagkakaroon ng away, pag nakialam na ang ibang mga matatanda na kinikilala ng lipunan ay tigil na ang bangayan at tinatanggap kung ano ang pagkakasunduan.
Pero nitong nakaraang ilang taon, parami nang parami ang mga ganitong kaso na hindi maayos at nauuwi sa demandahan kung saan ang kumikita lang ay ang mga sulsol na abogado.
Matindi pa, uso na ngayon ang patayan at kidnapping ng kapatid, anak o magulang dahil lang sa kayamanan.
Tingnan na lang ang kaso ng may-ari ng 3D appliances na si Francisco Guy. Inagaw siya ng kanyang sariling anak na si Gilbert sa kanyang sariling ina na si Simny. May 50 taon nang mag-asawa ang kanyang mga magulang pero pilit silang hiniwalay ni Gilbert.
Mag-aanim na buwan ng hindi nakikita ni Ginang Simny Guy ang kanyang asawa. Huli nilang nakita si Francisco noon pang March 17, 2004. Walang makapasok sa tahanan ni Gilbert na pinapaligiran ng katakut-takot na armadong lalaki. Pinagbawalan sina Simny, tatlong anak na babae, mga apo at ultimo ang misyonaryong anak nilang si Gaspar na makita ang matandang may sakit na at mukhang ulyanin na.
Nang iharap ni Gilbert sa media ang kanyang ama dahil napilitang humingi ng tulong sa media ang kanyang ina at kapatid ay noong Agosto 14, 2004, mahigit 20 bodyguards ang naroon upang tiyakin na hindi makakalapit ang kanyang ina at mga kapatid. Si Francisco ay naka-wheelchair at tiyak na may sakit ng Alzheimers o ulyanin.
Wala na ang kanyang kisig bilang isang magaling na negosyante. Wala na ang kinang sa kanyang mata, nakasandal lang siya at nakatingin sa malayo, may kalungkutan sa mata at hindi nagsasalita o namamansin man lang.
Bakit naman hindi, ganunin ka ba naman ng sarili mong anak.
Pero bakit nagawa ng isang anak ang ikulong ang sariling ama at pahirapan ang sariling ina. Simple lang, pera. Kailangan niya ng malaking pera dahil kailangan niyang tustusan ang magarbo niyang pamumuhay na kasama na ang magmay-ari ng helicopter na ginagamit niyang parang kotse.
At dahil sa kanyang pangangailangan, nakalimutan ni Gilbert lahat ng pagmamahal na ginugol sa kanya ng kanyang mga magulang. Nakalulungkot, nakaiiyak. Hindi ko maisip kung paano masisikmura ng isang anak ang ganunin ang kanyang ama at ina.
Pero hindi lang ito ang nag-iisang kaso, marami pang iba, kagaya nung bangayan ng magkakapatid na nagmamay-ari ng maraming coffee shop. Noong nakaraang buwan ay pilit na kinuha naman daw ang biyudang ina upang papirmahin at ilipat ang kayamanan.
Mukhang sign of the times, kahalintulad ng ating bansa, puro away, bangayan, pasiklaban at patayan pero ang ang ugat ng lahat ng ito, iisa lang ang kasuwapangan sa pera at kapangyarihan.
Nakalulungkot pero tandaan, hindi nyo madadala sa hukay ang kayamanang yan at masakit pa nito, buhay pa kayo sinusunog na ang kaluluwa niyo sa impyerno.
Dalawa lang ho yan sa kung anu-anong paek-ek na paraang pino-propose. Maraming marami na ang paraan kuno at kasama rin diyan ang pagbubuwis daw sa soft drinks, tubig at text messages.
Dami nilang mga proposal pero bakit lahat sila pilit kinakalimutan ang isang katanungan. Ang katanungan ay ano ba ang dahilan at nagkakaroon tayo ng krisis at ano ang gagawin para maayos ito.
Lahat ng sinasabi ng mga pulitiko, komikero, pakialamero at iba pang layunin lang ay gustong madyaryo, ma-radio o ma-television ay puro pakulo. Iniiwasan nila ang tunay na isyu.
Ang isyu na dapat nilang harapin ay ang tamang pangongolekta ng buwis. Tigilan ang smuggling at higit sa lahat tigilan ang pangungurakot sa gobyerno.
Kaso malabung-malabo na yon ang pagtuunan nila ng pansin at bakit kanyo, simple lang, pag nawala ang dayaan sa pagbabayad sa buwis, mawala ang smuggling at mawawalan ng kotong, paano sila kikita.
So paano mapipigilan ang mga yan, malabo kaya isumpa na lang natin sila na sana isa sa mga anak nila maging Gilbert Guy, diyan makakarma kayo at makakaganti na ang sambayanan.