^

PSN Opinyon

Nakaka-high blood ang 'pork'

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NALILITO ang taumbayan sa usapin ng pork barrel fund ng mga mambabatas. May mga senador na payag na raw na hindi kunin ang kanilang P200 million Priority Development Assistance Fund na katulad ng ginawa ni Sen. Panfilo Lacson. May mga senador namang nagpaliwanag na hindi maaaring mawala sa kanila ang fund na ito dahil nakatalaga na ito sa kanilang mga projects.

Nitong nakaraang ilang araw, ibinalita naman ni Budget Secretary Emilia Boncodin na tatapyasin na raw ang 40 percent sa pork ng mga senador at mga kongresista. Batay dito, ang matitira sa mga senador ay P120 milyon bawat isa at ang bawat congressman naman ay P28 milyon. Subalit hindi pa raw ito approved sa mga senador at mga kongresista. Ano ba talaga ang totoo?

May balita rin na hindi na muna ibibigay ang Internal Revenue Allocation (IRA) para sa mga lokal na pamahalaan at gagamitin itong pambayad sa mga utang. Sari-sari rin ang mga naging reaksyon sa balak na ito.

Hindi na dapat pang pagtakhan kung ang ating bansa ay nasasadlak sa malaking utang. Bakit? Kitang-kita naman na maluho ang ating mga pinuno. Naglulustay sila ng salapi. May mga mamahaling sasakyan ang mga senador, mga kongresista, mga miyembro ng Gabinete.

Sa mga pinuno ng bansa, kayo mismo ang nagpahayag na ang bansa ay nasa fiscal crisis. Dapat ay hindi na kayo pinipilit para magsagawa ng pagtitipid. Kayo ang manguna at maging halimbawa para maipatupad ang austerity program. Kayo ang magsimula. Kung gusto pa ninyong mapigil ang pagbulusok ng Pilipinas. Time is of essence.

vuukle comment

ANO

BAKIT

BATAY

BUDGET SECRETARY EMILIA BONCODIN

DAPAT

GABINETE

INTERNAL REVENUE ALLOCATION

PANFILO LACSON

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with