Gunitain ang mga bayani
August 29, 2004 | 12:00am
NGAYON ay National Heroes Day. Bigyang pugay natin ang ating mga bayani at sa pitak na ito ay ating pararangalan ang ilang bayani ng lahi ng hindi kasing sikat at dinadakila gaya nina Rizal at Bonifacio. Si Francisco Baltazar na mas kilala bilang Balagtas ay prinsipe ng makatang Pilipino. Ang kanyang obra ay ang Florante at Laura. Si Marcelo Adonay ay tinaguriang pinaka-mahusay na Filipino Church musician noong mid-19th century. Siyay taga-Pakil, Laguna. Si Teodora Alonso, ang ina ni Jose Rizal, ay isinilang sa Maynila noong 1827. Namatay siya noong Agosto 16, 1911. Bukod kay Jose ang anak niyang si Paciano Rizal ay isa ring bayani ng himagsikan.
Noong 1884 nanalo ng medalyang ginto si Juan Luna sa kanyang obrang Spolarium. Naging silver medalist naman si Felix Resurreccion Hidalgo sa kanyang ipinintang Las Vingeres Christianas Expuesto al Populacho.
Tinaguriang defender of Filipino honor si Jose Maria Panganiban na isa sa mga sumulat sa La Solidaridad. Ang dating Mambulao, Camarines Norte ay pinangalanang Jose Panganiban bilang pagdakila sa bayani na sa gulang na 27 ay namatay sa TB. Si Mariano Ponce na kasama nina Panganiban sa La Solidaridad ay isa sa mga lumagda sa Malolos Constitution.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended