^

PSN Opinyon

Pagpapaimbabaw

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG pagpapaimbabaw ay higit pa sa pagsusuot ng maskara. Pandaraya ito sa sarili.

Tinuligsa ni Jesus ang mga Eskriba’t Pariseo sa pagiging mapagpaimbabaw (Mt. 23:27-32).

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.’"

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, "Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta." Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!’"


Makabubuti para sa atin na suriin ang mga sarili kung tayo ba ay mga mapagpaimbabaw. Nagsusuot ba tayo ng mga maskara upang itago ang ating kabulukan? Ano ang maaari nating gawin upang alisin ang pagka-mapaimbabaw? Tanggapin natin ang katotohanan hinggil sa ating mga sarili. Manalangin sa Panginoon na pagalingin tayo mula sa mga pangamba at kawalang-katotohanan.

Sa ganoo’y magkakaroon tayo ng kapayapaan, kagalakan sa ating kalooban at paggalang sa sarili. Mas ganap at kagalang-galang tayong makakaharap sa ibang tao. Narito si Jesus upang pagalingin tayo sa ating pagpapaimbabaw.

ANO

ESKRIBA

GANYANG

IPINAGTATAYO

MAKABUBUTI

MANALANGIN

NAGSUSUOT

NARITO

PARISEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with