^

PSN Opinyon

Mirriam Defensor-Santiago- Senador o imbestigador

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI pa man nakapagsisimulang makapagtrabaho ang mga senador at mga kongresista ay pulitikahan na kaagad ang pinaiiral. Imbes na ang harapin ay ang para sa kapakanan ng taumbayan ang inaasikaso ay ang agawan sa posisyon at mga komite.

Gaya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Inungkat niya ang mga lumang kaso na kinasasangkutan ni dating President Fidel V. Ramos. Ito ay ang may kinalaman sa Smokey Mountain at mga reclaimed area na matagal ding binatikos ng kaliwa’t kanan noong panahon ni FVR at Erap. Lumang tugtugin na ang mga kasong kinakanta ni Miriam.

Hindi malaman ang nagbunsod kay Miriam para bulatlatin ang mga kaso laban kay FVR. Matalas na naman ang kanyang dila at ang hinarap pa ay si FVR na akala ko ay nagbati na.

Hindi ba’t nakipagbeso-beso pa si Miriam kay FVR ilang buwan bago ang May 10 election?

Senador Miriam, tigilan mo na lang muna ang pulitikahan. Ipakita mo na lang muna ang pagiging magaling na mambabatas at hindi ang pagiging imbestigador. Ipaubaya mo na lamang sa mga kinauukulan ang maghabol sa mga katulad ni FVR at iba pa. Hintuan mo na ang pamumulitika.

vuukle comment

ERAP

GAYA

HINTUAN

IMBES

INUNGKAT

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PRESIDENT FIDEL V

SENADOR MIRIAM

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with