^

PSN Opinyon

Palakpakan naman natin sina SSupt. Ibay at Supt. Villareal, he-he-he

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MODUS operandi ng fraternity ang kadalasang bumibiktima sa mga freshman diyan sa Intramuros ang naging tugon ni P/SSupt. Ricardo Ibay ang hepe ng Manila City Hall Special Operation Group (SOG) matapos na aking banatan sa aking kolum noong August 1, 2004.

Ayon kay Ibay, kadalasang mga bagong salta ang nagiging biktima ng mga suspek, dahil madaling takutin. Hihikayatin umano ng mga suspek ang kanilang bibiktimahin na magmiyembro sa kanilang "Frat" aakbayan nila ang biktima habang naglalakad at kanilang hihimuking iwanan ang mga cell phone o personal na gamit upang hindi ito makatakbo.

Dadalhin nila sa di-mataong lugar at kapag nakuha na nila ang gamit ng biktima ay magpapaalam lamang ito na tatawagin ang kanilang leader upang personal na makaharap, siyempre ang pobreng biktima ay mag-aantay naman, subalit walang ni isa mang leader na makakarahap ang biktima at doon na lamang malalaman na kabilang na siya sa mga naloko ng naturang grupo.

"Eh, ang problema’y maging sa aming mga kapulisan ay takot at nahihiya ang mga biktima na lumapit dahil sa pangyayari, kaya hindi namin makunan ng deskrepsiyon ang mga suspek," sabi ni Ibay.

Kaagad nagpakalat ng mga pulis si Ibay sa naturang lugar upang manmanan at bigyan ng proteksiyon ang mga estudyante.

At makalipas ang isang Linggong pagmamanman ng mga pulis ni Ibay ay nagresulta ito ng pagkaaresto sa limang holdaper at anim na snatcher at kasalukuyang nakapiit sa kanilang detention cell sa City Hall. Hayan mga suki, abot tanaw naman pala ni Ibay ang Intramuros eh. He-he-he!. Salamat po Sir sa mabilis na aksyon at nawa’y hindi ito ningas cogon lamang.

Kaalinsabay sa nabanatan natin ay si P/Supt. Frumento Villareal hepe ng Police Station 11 sa pagkamatay ng isang estudyante ng City College of Manila. Nakabawi rin sa kanilang kapabayaan nang makipagbarilan ang kanyang mga pulis sa tatlong Waray Waray Gang na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek na nakilalang sina Dennis Caneso at Ariel Estrelles at na arestong si Ronald Rardillo na pawang armado ng .45 caliber.

Nag-ugat ang naturang barilan nang may isang concern citizen ang tumawag sa tanggapan ni Villareal na may tatlong lalaking aali-aligid sa may kanto ng T. Alonzo St. malapit sa panulukan ng C.M. Recto Avenue. Kaagad na inatasan ni Villareal ang kanyang tauhan upang alamin kung ano ang mga ito, subalit nang papalapit na ang mga pulis ay agad silang sinalubong ng mga putok na ikinasugat ni PO3 Robert Zapata.

Nakipagpalitan ng putok ang mga pulis sa mga suspek na patakas patungong Doroteo Jose St. sa Sta. Cruz at nagtago ang mga ito sa ilalim ng mga nakaparadang bus. Mabilis naman nakahingi ng responde at dumating ang mga Special Weapon and Tactics (SWAT) sa natu-rang lugar subalit bihasa ang mga suspek sa pakikipagbarilan at tinamaan sa paa si PO3 Raul Baldomar.

Tumagal ang palitan ng putok at ng mapawi ang usok, nakitang nakabulagta ang dalawa na wala ng buhay. At agad na isinugod ang dalawang sugatang pulis sa ospital para gamutin. Parang pelikula lang mga suki, he-he-he!

Eh kung ganyan lagi kabilis ang ating mga pulis sa pagganap sa kani- lang tungkuling sinum- paan tiyak na marami pa silang makakasagupang kriminal at marami silang maililigtas na buhay. Oh, sige mga suki, purihin natin itong mga magigi- ting nating opisyal. Palakpakan naman dyan!

ALONZO ST.

ARIEL ESTRELLES

CITY COLLEGE OF MANILA

CITY HALL

DENNIS CANESO

DOROTEO JOSE ST.

FRUMENTO VILLAREAL

IBAY

INTRAMUROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with