Buti nga sa inyo - Jaylo
August 12, 2004 | 12:00am
SABIT sa entrapment operation ang mga tauhan ni PAIRTF bossing Rey Jaylo matapos magreklamo ang erpat ng isang drug dependent kay AID-SOTF bossing Edgar Aglipay.
Mga miyembro ng Task Force Hunter-PDEA ang nakalawit ng mga bataan ni Egay.
Hindi muna papangalanan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga alipores ni Rey hanggang hindi pa ito kinakasuhan sa Korte.
Matindi ang operasyon ni Aglipay ayon sa report ng kanyang mga kaalyado, nangongotong daw kasi ang mga sinakote.
Sa parte ni Jaylo, dapat managot ang mga nakalawit ni Aglipay dahil lumabag sila sa butas, este mali, batas pala.
Sabi nga, beh, buti nga!
Nalulungkot si Rey sa nangyari pero wala siyang magagawa dahil masyado silang malilikot sa apparatus.
Ika nga, panindigan nila ang problema nila dahil sila ang pumasok sa gusot.
Tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, sibak sila sa tungkulin with matching kalaboso pa kapag napatunayang guilty sila.
Si Jaylo, ang bossing ng mga kotong rakpadudels pero may tinatawag tayong layers of responsibilities. Tama ba, PNP bossing Jun Ebdane, Sir!
Hindi kasi sa lahat ng time ay mababantayan ni Jaylo ang kanyang mga kabig.
Sabi nga, ng mga damatan sa lahat ng gubat ay may ahas.
Nagpapasalamat si Jaylo habang maaga ay naaktuhan ng mga bataan ni Aglipay ang mga kikil cops kaya saludo ang una sa huli.
Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang trabaho ni Jaylo, sangdamakmak kasi ang intrigahan dito.
Kung malambot lang ang puso ni Rey, siguradong hands up siya sa kanyang new job.
"Basta ang alam natin, malaki ang tiwala ni Prez Gloria Macapagal Arroyo kay Jaylo kaya naman all-out siya sa suporta rito," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Talagang bilib tayo kay Jaylo kung trabaho lang ang pag-uusapan," sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Kaya naman suportado pati ang mga kuwago ng ORA MISMO kay Rey."
"Tiwala kasi tayo!"
Paano ngayon nasabit ang pangalan ni Jaylo sa mga kalokohan ng ilang bataan niya," naiinis na sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Hoy, hindi si Jaylo ang nangotong for your information."
"Magdusa ang dapat magdusa, mas maganda pa kung mabulok sila sa kalaboso."
"Ang Korte ang hintayin nating magdesisyon, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am