^

PSN Opinyon

President GMA,iupo mo na si Arthur Yap

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINIHILING ng mga concerned employees ng Department of Agriculture na iupo na ni President Arroyo itong si Arthur Yap, ang administrator ng National Food Authority (NFA) bilang kapalit ni DA Secretary Luis Lorenzo. Kasi nga, habang hindi pa pormal ang turn-over ng puwesto ng dalawa, aba, kung anu-anong balita ang kumakalat na karamihan ay sinisiraan si Yap na sa tingin ng mga empleyado ay pakana ng kampo ni Lorenzo para manatili pa siya sa DA nga. Natunugan kasi ng mga concerned employees na itong si Lorenzo ay gustong manatili sa DA hanggang sa 2007 para magpabango ng pangalan at tumakbo sa pagka-senador. Habang malayo pa ang Aug. 15 kung saan uupo na si Yap ay busy naman ang mga spin doctors ni Lorenzo na sirain ang pangalan ng una. Kasi nga, ang contention ng mga spin doctors niya, kung si Social Welfare Secretary Dinky Soliman ay na-retain sa DSWD, hindi nalalayo na mahihikayat din nila si GMA na i-retain si Lorenzo nga, he-he-he! Ano ba ang meron sa DA at ayaw umalis ni Lorenzo at mga alipores niya diyan?

Nang tanggapin ni Lorenzo ang offer ni GMA na maging secretary para bumuo ng isang milyon na trabaho, maaari nating sabihin na malaking self-sacrifice ang ginawa niya at idinistansiya niya ang sarili sa multi-national company na Del Monte at banana exporter na La Panday. Subalit nang maupo siyang Agriculture Secretary eh kung anu-anong irregularities na ang kinasangkutan niya. Kabilang na rito ang pag-divert ng P10 million na pondo para sa nasira sa fisheries ng El Niño phenomenon; ang pagsingil sa gobyerno ng P100,000 monthly expenses ng isa sa kanyang mobile phone sa pamamagitan ng Quedan Rural Credit Guarantee Corporation at ang pag-designate ng mga assistants sa mga major offices ng DA. Hindi ba iniutos mo na Madam GMA ang pagsibak sa mga assistants na ito matapos kasuhan ng P5 million extortion case ni vegetable exporter na si Henry O itong sina Jesus Varela, Joem Macaspac at iba pa? Si Varela ay assistant ni Lorenzo sa DA administration and finance samantalang si Macaspac ay sa special projects at import permits, he-he-he! Lutong makaw ang gobyerno dito.

Sa 20 months niya sa DA, ilang beses ding nagpakita ng conflict of interest itong si Lorenzo lalo na sa negosyo ng kanyang pamilya sa halos lahat ng sectors ng agribusiness industry tulad ng saging at pineapple, livestock, fishery, high-value crops at gulay (lettuce), anang mga DA employees. Marami umanong vegetable traders ang nagsasabing hinihikayat sila ni Lorenzo na bumili ng lettuce sa La Panday.

May balita pa na pinipilit din ni Lorenzo ang kanyang kapwa opisyal ng gobyerno na payagang pumasok sa bansa ang mga smuggled vegetables galing China para ang shipment ng La Panday na saging ay payagan ding makapasok sa naturang bansa. At ano ang say ni Lorenzo sa akusasyon ng mga DA employees na ang mga pang-araw-araw na gastusin niya ay doon niya kinukuha sa 30 DA bureaus, regional field units, attached agencies at corporations? Ang hindi alam ni GMA, ang pag-appoint niya kay Lorenzo sa Land Bank of the Philippines (LBP) ay naging pabor pa sa kanya. Sa kasalukuyan kasi, ang La Panday ay nagpa-process ng P1.5 billion loan sa banko maliban pa ito sa existing loan nito na P700 million. Abangan!

AGRICULTURE SECRETARY

ARTHUR YAP

DEL MONTE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EL NI

HENRY O

LA PANDAY

LORENZO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with