^

PSN Opinyon

Editoryal - Nakatatakot na proposal ni General Ebdame

-
SA halip na mabawasan ang problema sa mga nangyayaring patayan na ang kasangkot ay baril, ngayo’y nangangamba pa itong madagdagan dahil sa walang kuwentang proposal ni Philippine Na-tional Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane. Proposal ni Ebdane na armasan ang mga media reporters. Nakapangangamba ang balak na ito ni Ebdane. Baril sa baril pala ang solusyon. Tiyak na kung magkakaroon ng baril ang mga mamamahayag, baka mas malaking problema ang kaharapin.

Ang balak ni Ebdane na armasan ang mga reporter ay dahil sa sunud-sunod na pagpatay sa mga journalist na ang pinaka-latest na biktima ay si Arnel Manalo na reporter ng tabloid Bulgar at radio station DZRH. Dalawang lalaking naka-motorsiklo ang tumambang kay Manalo sa Bauan, Batangas noong nakaraang linggo. Pagkaraang barilin, walang anumang tumakas ang mga suspects. Bago ang pagpatay kay Manalo, binaril din at napatay at broadcast journalist na si Roger Mariano ng Sta. Cecilia, Ilocos Norte. Noong Linggo binaril naman ng bodyguard ni boxing champ Manny Pacquio ang radio reporter na si Jonathan Abayon sa Gen. Santos City.

Dahil dito, naisip ni Ebdane armasan ang mga journalists para madepensahan ang sarili. Ganito na ba kakitid ang isipan ng isang PNP chief. Inaasahan namin na ang sasabihin ni Ebdane ay hahanapin ang mga salarin at mga utak para pagbayarin sa kasalanan. Mali ang aming paniwala. Ang tungkulin ng PNP ay pilit ipakakarga sa sibilyan na rin o sa mga mamamahayag. Bigyan ng baril at nang maipagtanggol ang sarili. Kapag inarmasan ang mga journalists, armasan na rin ang mga estudyante, drivers o lahat na para maipagtanggol ang sarili laban sa mga holdapers, rapists, kidnappers at iba pang halang ang kaluluwa.

Hindi ba magagawa ng PNP na paigtingin ang paghanap sa mga loose firearms? Hindi ba sila makagagawa ng paraan na kumpiskahin ang mga hindi lisensiyadong baril? Ano ang silbi ng mga checkpoints? Ano ang silbi ng kanilang intelligence unit na malaki ang nakalaang budget at hindi matiktikan kung nasaan ang mga baril na nagkalat at ginagamit sa krimen?

Baril sa baril ang solusyon ni Ebdane. Mahirap ito. Maaaring may madamay na sibilyan kung maki-kipagputukan ang journalists. At gaano naman katiyak kung ang aarmasang journalists ay responsible? Hindi kaya ang aarmasan ay makati rin sa gatilyo? Hindi kami sang-ayon sa proposal mo General Ebdane, Sir.

ANO

ARNEL MANALO

BARIL

EBDANE

GENERAL EBDANE

HERMOGENES EBDANE

ILOCOS NORTE

JONATHAN ABAYON

MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with