^

PSN Opinyon

"Ina laban sa anak..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SA PAGPAPATULOY NG AKING TINATALAKAY NA ISYU TUNGKOL SA KASONG ISINAMPA NG DSWD LABAN KAY MAYOR PERCIVAL MORALES, NG STA. CRUZ, MARINDUQUE, NA RAPE NG ISANG 16 YERS OLD NA MENOR-DE-EDAD, I.S. No 2004-144, NABANGGIT KO NA MAINIT NA UMUGONG ANG BALITA NA PINAPIPIRMA DIUMANO, NG MGA MAGULANG NG BIKTIMA ANG KANILANG ANAK NG ISANG "AFFIDAVIT OF DESISTANCE."

Matapos diumano mag-inhibit na DOJ Prosecutor na si Lagrimas Agaran, hindi nag-aksaya ng panahon ang pamilya ng biktima, Ina, Ama, lola at tatlo pang mga kamag anak na pumunta sa Alabang, Marilac homes, kung saan nasa pangangalaga ng DSWD ang biktima. Ito’y ay dahil na rin sa pumirma ang batang ito ng isang "Protective Custody and Involuntary Commitment."

Nung July 7, 2004, nagsampa ng kaso ang bata kontra sa ina niyang si Josephine Banaag sa Quezon City Prosecutor’s sa kasong pamemeke ng kanyang pirma sa isang dokumento na nagsasaad na hindi na niya ipagpapatuloy ang kanyang reklamong rape.

Kung totoo ngang papipirmahin (kung di pa nakapipirma) ng isang "affidavit of desistance" ano ngayon ang mga "consequences" nito sa kanyang Sinumpaang Salaysay na ibinigay sa Q.C. Prosecutor’s office?

Para naman maalala ng biktima at ng pamilya nito ang mga pinagsasabi ng batang ito, narito ang ilang "excerpts" mula sa kanyang Salaysay.

Napag-alaman ko na noong 06 Pebrero 2004, gumawa ang aking ina na si Josephine Banaag ng isang salaysay sa tanggapan ng Women’s and Children’s Complaint Division, Criminal Investigation and Detection Group, Camp Crame, Quezon City, laban kay Mayor Percival Morales dahil sa panggagahasa niya sa akin.

Noong 12 Pebrero 2004, dinalaw ako ng aking ina sa Marillac Hills. Matapos ang ilan salitang pangangamusta, sinabi na niya sa akin ang tunay na dahilan ng pagpunta niya sa akin. Pilit niya akong kinukumbinsi na iurong ko na raw ang demanda ko laban kay Mayor Morales, Sabihin ko raw na ginamit lang ako ni Mayor Red at ni Ate Cindy para sirain ang reputasyon ni Mayor Percival Morales. Hindi ako pumayag sa gusto niya.

Hindi ako pumayag sa gusto ng aking ina at galit na galit siyang umalis. Bumalik siya pagkatapos ng ilang araw. Muli niyang inulit ang kanyang sinabi sa akin na iurong ang aking demanda. Pinagbantaan niya ako kung ayaw kong sumama sa kanya, magtatagal ako ng taon sa DSWD. Kahit umiiyak na ako ay talagang pinanindigan ko ang aking desisyon na ituloy ang demanda ko laban kay Mayor Morales.

Ayon sa nakasulat sa naturang Sinumpaang Salaysay, ang salaysay na kung saan "x x x IPINAHAYAG KO NA AKO’Y GINAHASA NI G. PERCIVAL MORALES AY HINDI TOTOO AT ITO’Y NAGAWA KO DAHIL AKO’Y LUBHANG TAKOT, TULIRO AT WALA SA SAPAT NA KAISIPAN NG PANAHON NA IYON AT DAHILAN NA RIN SA LUBHANG PRESSURE O PANGGIGIPIT NG IBANG TAO NA MAAARING MAY IBANG MOTIBO MALIBAN SA AKO’Y TULUNGAN x x x". Sa madaling salita, inuurong ko raw ang aking demanda laban kay Mayor Morales sa pamamagitan ng naturang Sinumpaang Salaysay.

Mariin kong itinatanggi na ako ay mayroong pinirmahang Sinumpaang Salaysay na nag-uurong ng demanda ko kay Mayor Morales o pumayag sa ano mang paraang iurong o itanggi ang aking mga bintang na ginahasa niya ako.

Mga kaibigan, kung totoo ngang merong isang "affidavit of desistance" ang biktima, ito’y ang babangga (head on) sa mga sinasabi ng kanyang Salaysay na kanyang nilagdaan nung July 7, 2004 lamang. Bakit biglang nag-iba ang ihip na hangin. Ang bilis naman mong Aba, ewan ko. Kayo anong palagay n’yo. Itanong n’yo sa PAG-ASA.

Nais ko ring linawin na hindi rin makatarungan kay Mayor Percival Morales na matapos kaladkarin, ipahiya ang kanyang pangalan at malathala sa napakaraming dailies, radyo at telebisyon, yun pala, naguluhan lang yung bata. Hindi ka dapat pumayag nito, Mayor Morales! Lumalabas na wala ka palang kasalanan. Dapat panagutin yung bata at ang kanyang mga magulang sa paninira sa yo! Pati MEDIA at ang publiko niloko nila.

Sa ganang akin, ginawa lang namin ang aming trabaho bilang isang Journalist. Bahala na ang husgado kung paano titimbangin ang lahat ng ito. Konsensya na lang ng mga "unscrupulous individuals" kung sila nga ay gumamit lamang ng ilang tao para sa kanilang kapakanan.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

NAIS KO PASALAMATAN ANG CHIEF NG LTO-MUNTINLUPA NA SI FE OPINA SA KANYANG ASSISTANCE, MGA KAIBIGAN, KUNG LAHAT NG MGA HEPE NG LTO AY KAGAYA NG GINANG NA ITO, MAWAWALA ANG LAHAT NG CORRUPTION AT DADALI ANG PROSESO SA LTO.

MABUHAY KA!

AKO

KANYANG

KUNG

MAYOR

MAYOR MORALES

MAYOR PERCIVAL MORALES

MORALES

SINUMPAANG SALAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with