Galit ang Pinoy sa illegal na droga
August 3, 2004 | 12:00am
MAAARING hati ang mga Pinoy kung pag-uusapan ay pagpapatupad ng parusang bitay sa mga kriminal na guilty sa mga kasong heinous crime pero pagdating sa illegal na droga ay tiyak akong mga 90 porsyento ay papayag na mabitay ang mga drug lord.
Noong nakaraang column ay pinanindigan ko na karapat-dapat ay bitayin sa pamamagitan ng lethal injection ang at least mga sampung drug lord upang magsilbing aral sa iba pa at nang matigil ng tuluyan ang suliranin ng illegal na droga sa ating bansa.
Dinagsa ako ng mga text messages at e-mails ng mga sumasangayon na dapat lang parusahan ng kamatayan ang mga drug lord pero ayaw nila ng parusang lethal injection lang.
Karamihan sa kanila ayaw sa ganoong kababaw na parusa. Madaling parusa raw ito at halos hindi mahihirapan ang mga kriminal na walang kaluluwa. Merong iba ang gusto ay balatan daw muna ng buhay ang mga drug lord at pagkatapos ay ipahid sa buong katawan ang shabu na kanilang ginawa. Mahapdi siguro yon pero mas matindi pa kung ihalo muna ang shabu sa asin o buhanging mabato bago pagulungin ang nabalatan ng drug lord para maranasan niya ang matinding sakit.
Meron namang ang gusto ay putulan ng kamay, paa at bulagin ang mga mata pero pabayaang mabuhay para magdusa nang habambuhay. Sabagay, habambuhay nilang pagsisisihan ang kanilang kawalanghiyaan at ang mangyayari pa ay magsisilbi silang ehemplo sa lahat ng matagal na panahon.
Ang iba naman sa ating mga kaibigan ay naghihinala na baka ibinebenta uli ang mga bawal na gamot kaya ang nais ay ipakain na lang hanggang mamatay ang mga shabu sa mga drug lord. Sabagay, mamamatay sila at wala pang irerecycle.
Iba naman ay lagyan daw ng lason ang mga huling droga para pag narecycle pati user mamamatay din. Tama nga naman, matatakot gumamit at matitigil itong lason ng lipunan na ito.
Sa mga ayaw sa lethal injection, masyado raw madali ito at malaki pa ang gagastusin ng gobyerno. Ang gusto nilang paraan ay yung pagpuputol ng ulo pero ang gamiting itak daw ay yung mapurol. Tipong parang gumigilit ba ng manok.
Pero hindi pa sila nagkasya riyan, gusto pa ay full television coverage raw o kung hindi ay kagaya raw ng sa Saudi Arabia kung saan ang pagpapataw ng parusang bitay ay gagawin sa gitna ng isang plaza upang makita ng lahat.
Hindi lang ako maaaring pumayag sa gusto ng iba na sa gitna raw ng Rizal Park, aba masamang mga tao ang mga yan kaya hindi dapat matulad kay Gat Jose Rizal na ating Pambansang Bayani.
Merong mas mabait ng konti sa pagpugot ng ulo, gusto ay ibalik ang firing squad gaya ng ginawa ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos kay Lim Seng. Nawala nga naman ang problema ng droga noong panahong yun dahil tinotohanan at pinakita sa buong mundo na hindi tayo nagbibiro.
Ang daming uri ng parusang gustong ipataw pero lahat ng yan ay gustong isama rin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, pati pulis na siyang mga protektor ng mga drug lord. Karamihan sa nag-text sa ang nagsasabing dapat daw sabay parusahan ang mga drug lord at protector na naniniwala akong dapat talaga.
Lahat ng mga suggestions at pagsang-ayon ay patunay na matindi ang galit ng ating mga kababayan sa mga drug lord, foreigner man o kapuwa natin. Patunay din yan na malala na ang problema ng illegal na droga rito sa atin at pag hindi naayos ay tuluyang sisira sa kinabukasan natin.
Ganoon pa man, tuloy na tumututol ang simbahan at ang mga human rights group na ipatupad ang death penalty. Kung talagang gusto nilang ipaglaban ang karapatan ng mga tao, bakit hindi sila roon sa bundok makiusap sa mga NPA na pakawalan ang dalawang sundalo na nabibihag hanggang ngayon.
Kung hindi naman, puntahan nyo ang mga Abu Sayyaf at hulihin nyo sila o kung mas magaling pa kayo, tungo kayong Iraq at doon mag-rally sa harap ng mga bumihag kay Angelo de la Cruz at iba pang mga dayuhang nagtatrabaho lang.
Madam Gloria, bagamat unsolicited advice ito, ipatupad nyo sana ang death penalty at tuluyan ang mga walang kaluluwang yan. Sa ganoong paraan, magsisilbing aral yan ay tiyak natin bababa ang insidente ng illegal na droga sa ating bansa. Matatakot sila at makikita nilang may ngipin ang ating batas.
Kayo mga kaibigan, bigay pa ng ibang suggestion pero hindi lang po sa inyong lingkod, itawag o i-text nyo rin sa iba pang media organization at personalities. Kulitin nyo rin ang inyong mga kongresista sa kanya kanyang distrito at pati mga senador. Ganoon din sa ibang opisyal ng inyong probinsiya o bayan, paalam ninyo.
Yun namang mga pari na tumututol at mga human rights group, sila kaya ang i-rally ninyo o isama sa demanda tuwing may biktima ng illegal na droga. Kahit paano kasi may kasalanan sila.
Text lang sa 09272654341 o e mail sa [email protected]
Pyag ako patayin ang mga drug lord, hndi lng yan, dpat btaying pti na pulis, opisyal at pulitok nasangkot sa pagpapakalat ng drugs sa pilipinas. 09198496976; Malaking oo ako na dapat na patayin ang mga tarantadong yan. katulad ng ginawa ni apo marcos. 09182060635;
Dpat lng bitayin na pti kasabwat n pulis at unahin yung pulis r ng bacoor. 09205248351; Dpat umpisahan na btay ng drug lords. Tapos na hala2n wg intindihin human ryt grp at smbahan. May btas at may nhatulan kya tuloy GMA . pano matutupad 2010 drug free phil kndi cmulan ngayon. - 09195747992; Galing ako saudi at don dsiplinado tao dhil sa plaza mismo pinupugutan ng ulo ang convicted sa drugs. Ano ko hilo? Di na ako gagamit. - 09212277556; Pyag ako n patayin ang mga drug lords. Kailangan dyan sunugin ng buhay. -09162174935.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kayay mag text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest