^

PSN Opinyon

2-chikd policy: Pagpigil sa panggigigil

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
SA isang demokrasyang bansa na katulad ng Pilipinas, walang sinuman ang maaaring magdikta sa isang mag-asawa kung ilan ang kanilang dapat na maging anak. Subalit, may responsibilidad ang estado na magpanukala ng mga hakbangin upang maiwasan ang paglobo ng populasyon.

Ang pinaka-popular na panukala na pinag-uusapan ngayon ay ang 2-child policy ni Albay Rep. Edcel Lagman. Ayon kay Lagman, patas lamang ito sapagkat walang parusang ipinapataw ito sa mga hindi makakasunod ngunit magbibigay naman ito ng incentives na katulad ng free education sa mga gustong sumunod sa programa. Kapag naging tagumpay ang 2-child policy, darating ang panahon na kung hindi naman maging zero ang paglaki ng population, malaki ang kabawasan sa pagdami ng Pilipino.

Ang problema nga lamang sa panukalang ito ni Lagman maaaring maging taliwasan ito sa gustong mangyari ng simbahang katoliko. Matibay ang paninindigan ng simbahan na papayag lamang ito sa anumang pagbabawas ng pagdami ng tao sa Pilipinas kung natural birth control lamang. Sa simbahan, kahit na zero-child policy, basta magpigil lamang sa panggigigil. Tututol sila sa paggamit ng anumang pills, condoms o contraceptives. Okey lang sa kanila ang lahat, natural lamang ang gawin.

Talagang hindi na maikakatwa na delikado ang katayuan ng Pilipinas kapag hindi naampat ang pagdami ng tao sa ating bansa. Hindi lingid sa kaalaman ni President Gloria Macapagal-Arroyo kung ano ang paninindigan ng simbahang Katoliko sapagkat isa siyang masunuring saradong Katoliko. May pagtitiwala ako sa kakayahan ni GMA kung papaano niya maipatutupad ang kanyang programa sa bagay na ito na hindi babangga sa prinsipyo ng sinuman.

Kung sabagay, matupad lamang ang ilan sa 10-point agenda ni GMA kahit na hindi kaagad lahat may palagay akong pati ang problema sa populasyon ay maaaring isa na sa mareresolba kung hindi man magtataas sa antas ng kabuhayan sa Pilipinas.

ALBAY REP

EDCEL LAGMAN

KATOLIKO

KUNG

LAGMAN

LAMANG

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with