Marami ang nagnanais makaalis ng bansa upang makapagtrabaho sa Middle East. Kahit sa Iraq na ubod ng gulo ay hindi sila natatakot magpunta.
Nagpipilit silang makaalis upang kumita ng ikabubuhay para sa kanilang pamilya. Titiisin ang hirap at kalungkutan may makain at matustusan ang pamilya. Sinabi nilang maaaring may mga panganib na naghihintay sa kanila pero handa silang makipagsapalaran para kumita.
Hindi na dapat magsayang pa ng panahon si President Gloria Macapagal-Arroyo na gawing pangunahing prayoridad ang paglutas sa kawalan ng hanapbuhay. Sana nga ay maging totoo ang sinabi niya magki-create ng 10 milyong trabaho. Sana ay hindi ito bola.