Capt. Jaylo versus illegal recruiters
July 13, 2004 | 12:00am
BINALAAN ni Capt. Rey Jaylo, bossing ng Presidential Task Force on Anti-Illegal Recruitment at con-current hepe ng Task Force Hunter ng PDEA, na bilang na ang mga araw ng mga ganid na recruiters na bumibiktima ng mga mahihirap na Noyping gustong magtrabaho sa abroad.
Si Jaylo ay binigyan ng mahalagang papel ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo, para kalawitin ang mga buwitre sa Pinas.
Sawa na kasi ang gobyerno sa mga kamote, wala kasing ginawa ang mga ito kundi ibaon ang mga mahihirap sa kahirapan para sa kanilang sariling interes.
Ika nga, pera-pera lang kaya naman tuwang-tuwa ang mga buwitre sa kanilang illegal operations. Ang mga Noyping gustong mag-trabaho sa abroad ang kalimitang nabibiktima ng mga illegal recuiters dahil sa sweet talks.
Na-eengganyo sila sa mga buladas ng mga buwitre kaya kumakapit sila sa patalim para makalabas ng Pinas. Importante sa kanila ang magka-trabaho sa abroad at magkaroon ng magandang-sahod. Masaya na sila sa US$300.00 kada isang buwan.
Isa ka nang executive sa Pinas kapag sumahod ka ng ganitong tsapit! Suweldo lang ng domestic helper ang katumbas nito sa abroad.
Ang iba naman minamalas-malas ay US$200.00 lang ang sahod naman masayang-masaya ang recruiters sa kanila. Ika nga, doble ahit. Kita sa principle kita pa sa na-recruit.
Kahirapan kasi ang problema walang makuhang trabaho sa Pinas kaya kahit papaano ay kumakapit sila sa patalim.
Kahit magkasangla-sangla o malubog sa utang ang importante sa mga nabola ay makapag-trabaho sila sa abroad. Andoon daw kasi ang suwerte. Kung paano nila babayaran ang mga gago, iyan ang problema nila.
Sabi nga, sanla rito, sanla roon. Malimit kasi silang na-uunggoy ng mga illegal recruiters.
Ika nga, madali silang masila ng mga buwitre kapalit ng magandang pangako. Sabi nga, yayaman daw sila sa abroad.
Nakakatiyak ba ang bayan sa bagong posisyon ni Jaylo? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Matutuwa ang bayan kay Jaylo dahil nakakasiguro tayong kalaboso ang mahuhuli nito, anang kuwagong taga-Census.
Hindi ba masisilaw sa pera ng illegal recruiters si Jaylo? tanong ng kuwagong urot.
"Baka ipakain pa ni Jaylo ang pera sa kanila.
Kung ganoon mawawala na ang mga buwitre sa bansa?
Tiyak titiklop sila kay Jaylo dahil mahal ang serbisyo ngayon?
Anong serbisyo? tanong ng kuwagong taga-POEA.
"Magtatrabaho ba si Jaylo para sa mga buwitre?
Hindi siyempre! Serbisyo sa punerarya ang sinasabi ko?
Ingat kayo kay Jaylo, mga kamote, your days are numbered, he-he-he!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended