Ika-20 anibaersaryo (Una sa 2 bahagi)
July 11, 2004 | 12:00am
MULA kahapon hanggang ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-20 anibersaryo ng samahang aming itinatag noong 1984 para sa pagtataguyod ng active non-violence o "alay-dangal."
Noong Hunyo 1984, ako at ilang mga kasamahan ay dumalo sa limang araw na seminar na ibinigay ng mag-asawang Jean Goss at Hildegard Goss-Mayr. Ang ikalawang grupo na kumuha ng seminar kina Jean at Hildegard ay binubuo ng 14 na Katolikong Obispo. Nakasama naman sa ikatlong grupo noong Hulyo 1984 sina Butz Aquino, Alran Bengzon at Bing Roxas. Kabilang din sa naturang grupo si Tess Ramiro.
Pagkatapos ng ikatlong seminar, iminungkahi ni Hildegard na mainam at makabubuti para sa isang grupo na akuin ang responsibilidad ng pagtataguyod ng active non-violence o "alay-dangal." Inako ko ang naturang responsibilidad.
Samantala, mula sa kanyang mga nakalap at natutunan sa seminar, ganoon din mula sa pakikinig sa mga tapes ng seminar, binuo ni Tess ang isang balangkas o syllabus upang maibigay ang seminar ng active non-violence o "alay-dangal" sa loob lamang ng tatlong araw.
Noong Hulyo 10, 1984, itinatag namin ang Aksyon para sa Kapayapaan at Katarungan na may internasyonal na pangalang "Center for Active Non-Violence." (Kayat ang daglat ng aming samahan ay AKKAPKA-CANV.) Nagbigay kami ng mga seminar tungkol sa active non-violence kapwa sa mga mahihirap at mga propesyonal, ganoon din sa mga madre, pari, at mga obispo, kasama na rin si Cardinal Vidal sa Cebu.
Umabot ang aming mga seminar mula Isabela sa Norte, hanggang Basilan sa Mindanao. At lahat ng aming mga naimpluwensiyahan, lalo na yaong mga nagpoprotestang tulad namin na nasa lansangan laban sa rehimeng Marcos, ay gumamit ng mga kaparaanang di-marahas at mapag-alay-dangal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended