Pag-IBIG 24-hour text hotline
July 9, 2004 | 12:00am
NAPAKAGANDANG balita sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund. Maaari na po kayong mag-text ng inyong mga suhestiyon o reklamo sa Pag-IBIG 24 Hour Text Hotline. Sa mga Globe Subscribers, 2990PAGIBIG o 29907244244 AT sa Smart, Talk and Text sa Sun Subscribers naman sa 1917-8922990. Pakilagay lamang po ang inyong pangalan, address at kompanyang pinagtatrabahuhan.
Ang pagkakaisa ng bawat sangay ng ating pamahalaan ay isang magandang hakbang upang malutas angn problemang pabahay sa ating mga kababayan. Kaya sa Hulyo 29-30, 2004 sa Westin Philippine Plaza, magdaraos ng isang socialized housing conference na dadaluhan ng mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan kasama ang pribadong sektor. Ang pagpupulong na ito ay inisyatibo ng Creba Social Housing Foundation Inc.
Ang seminar na ito ay may temang Promoting Socialized Housing Projects for Local Government Units. Sa seminar na ito, mabibigyan ng malawak na kaunawaan at perpektiba ang ating mga local na opisyales sa tunay na sitwasyong problema ng pabahay sa mga komunidad at pagpapatayo ng socialized housing units sa mga siyudad at probinsiya ng ating bansa.
Kasabay nito ang First Creba Socialized Housing Expo 2004 sa World Trade Center on Roxas Blvd. Sa pribadong inisyatibong ito, patuloy ang ating pagsulong sa programang pabahay ni Pangulong Macapagal-Arroyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended