^

PSN Opinyon

Balik-tiwala sa gobyerno

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANIM na priorities ang hangad ng Pilipino sa gobyerno: Trabaho, isang milyon kada taon; edukasyon, 3,000 classroom kada taon, computer sa bawat paaralan, scholarship sa isang miyembro ng maralitang pamilya; tubig sa lahat ng 45,000 barangay; kuryente sa 1,500 barangay at murang presyo sa buong bansa; gamot sa kalahati lang ng presyo; at tulong sa maliliit na negosyante. Subok ang anim na ito nang ilahad sa kampanya ni Gloria Arroyo. Katunayan, hindi lang siya basta nanalo nang pinaka-malaking boto sa anumang halalan, kundi ang bise niya ay galing sa parehong partido, at ang koalisyon niya ay mayorya sa Kongreso at lahat halos ng probinsiya, siyudad at bayan.

Mahigit 12 milyon boto ang nakuha ni GMA. Halos 1.2 milyon ang lamang kay Fernando Poe Jr. Pero malaki rin ang boto ni FPJ: 11 milyon. Kumbaga, mahigpit ang laban at halos hati ang bansa. Kung nais ni GMA na magkaisa, makakabuti kung ipatupad din niya ang plataporma ni FPJ: Ibalik ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno. Kailangan niya ito kung magpapataw siya ng bagong buwis at hihingi ng sama-samang sakripisyo para isakatuparan ang anim na campaign promises.

Babalik ang tiwala sa gobyerno kung magiging malinis at mabisa ito. Kulang ang lifestyle checks sa ilang middle-level bureaucrats. Dapat baguhin ang sistema sa paggastos para hindi makapambulsa ang tiwali. Alisin na ang pork barrel: P200 milyon kada senador at P65 milyon kada congressman bawat taon. Kinukumisyonan lang nila ito. Higpitan din ang local officials. Sa kanila nagsisimula ang paglaganap ng jueteng at droga. At higpitan na rin ang eleksiyon. Nu’ng Mayo 10 nakita ang pinakamataas na bilihan ng boto: P500-P2,000 kada bungo.

Kulang ang pabisi-bisita sa police stations. Buong pulisya at militar ang linisin. Itanim sa isip ng burokrasya na nandoon sila hindi para maglamiyerda kundi para maglingkod. Ibawal ang bulakbol, sipain ang banban. Ang gobyerno ay parang produkto o serbisyo. Nais ng taxpayer, parang consumer, na makuha ang probetse ng binabayad niyang buwis.

ALISIN

BABALIK

BUONG

DAPAT

FERNANDO POE JR. PERO

GLORIA ARROYO

HIGPITAN

IBALIK

IBAWAL

ITANIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with