^

PSN Opinyon

Housing conference para sa LGUs

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ISANG panawagan po sa mga local government units o LGUs, bilang pagkilala sa malaking papel ng mga Local Governments Units (LGUs) sa kabuuang pagpapatupad ng programa sa pabahay, isang conference ang gaganapin upang isulong ang socialized housing projects sa mga LGUs. Ang conference na ito ay pangunahing proyekto ng CREBA Social Housing Foundation, Inc. sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at HUDCC.

Ang pangunahing layunin ng conference na ito ay upang ipagbigay alam ang mga mahahalagang impormasyon at alituntunin kung papaanong ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa ay makapagpatupad ng mga socialized housing units para sa kanilang mga lugar at nasasakupan. Kasabay ng conference na ito ang kauna-unahang CREBA Socialized Housing Expo kung saan ipakikita sa mga lalahok na opisyales ng mga lokal na pamahalaan ang mga bagong teknolohiya na magagamit upang makatipid sa paggawa at pagpapatayo ng bahay.

Matatandaang nabibigyan ng pagkilala ang mga papel na ginagampanan ng mga LGUs sa kabuuang pagpapatupad ng programang pabahay. Sa katunayan, nabigyan ng parangal ang mga natatanging LGUs sa kanilang matagumpay na pagpapatupad at pagsuporta sa mga proyektong pabahay sa kauna-unahang housing awards noong nakaraang taon. Dagdag pa rito, ang industriya ng pabahay ay malaki ang positibong epekto sa ekonomiya. Nagbibigay ito ng trabaho sa ating mga kababayan at tumutulong sa mga kaugnay na industriya.

Kabilang sa mga tatalakayin sa conference ay papel ng mga proyektong pabahay sa pagpapasigla ng ekonomiya, pagpapaunlad ng mga LGUs sa pamamagitan ng mga pabahay, ang mga iba’t ibang karanasan ng ibang LGUs sa socialized housing. Ang conference ay magaganap sa Westin Philippine Plaza Hotel sa July 29-30, 2004.

vuukle comment

CONFERENCE

DAGDAG

HOUSING

LGUS

LOCAL GOVERNMENTS UNITS

SOCIAL HOUSING FOUNDATION

SOCIALIZED HOUSING EXPO

WESTIN PHILIPPINE PLAZA HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with