Wa epek na ito. Ngayon pang naitaas na ang kamay ng mga nanalo. Dapat sa pangunang bilangan pa lamang mula sa precinct level ay nagprotesta na kaagad ang oposisyon kung may nakitaan na silang pagbabasehan ng dayaan. Tutal naman, mayroon silang mga sariling poll watchers at mga abogado.
Ang kampo ni Fernando Poe, Jr. katulad ng Comelec, Namfrel at ilang partido ay may sarili ring kopya ng election returns at iba pang dokumento. Malalaman rin nila ka-agad ang resulta ng botohan kasing bilis ng Comelec at Namfrel. Makikita rin kaagad nila kung may iregularidad na maaaring maging basehan ng kanilang pagpo-protesta sapagkat mayroon naman silang mga tauhan na dapat na nagbabantay sa lahat ng nangyayari. Kung sinasabi nilang sila ay nadaya, walang dapat na sisihin kundi sila rin mismo. Gaya ng sinabi ni Ping Lacson, kasalanan nila kung sila ay madadaya.
Sa tagal ng panahon ng pagharang ng oposisyon sa canvassing sila ang lumabas na kontrabida sa halip na ang administrasyon. Kaya dapat sana ay tanggapin na ng oposisyon ang pagkatalo at makiisa na lamang sa mga nagwagi sa ikauunlad at ikatatahimik ng