Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay John Galang, Alex dela Cruz, Peter Paul Sales ng MBC, Greg Cervano ng DZRH at advance happy birthday kay Mr. Richard ng Regent Foods.
Ayon sa aking bubwit, hindi sukat akalain ng jueteng lord na magta-traidor ang kanyang tauhan sapagkat ito ay itinuring na niyang miyembro ng pamilya. Ito ay binihisan, tinuruan, sinuportahan ang kanyang pamilya pagkatapos ay tinuklaw siyang parang ahas.
Mantakin nyo, tinuruan ito kung paano magpatakbo ng jueteng pagkatapos at tatangayin pa ang misis ng kanyang anak. Siguro ang dapat sisihin diyan ni jueteng lord ay ang kanyang manugang. Meron na siyang mister at meron nang dalawang anak pagkatapos sumama pa sa iba.
Ayon sa aking bubuwit, ang dapat ding sisihin dito ay ang anak na lalaki ni Jueteng Lord. Kasi napapabayaan pala ni Mister ang kanyang misis kasi ang inaatupag ay ang kanyang bisyo. Ang pinagkakaabalahan pala ng anak ni jueteng lord ay ang mga sasabunging manok.
Mas inuuna pang hinihimas ni Mister ang kanyang mga manok kesa sa magandang misis.
Kaya ayon, habang humihimas ng manok si Mister, iba naman ang humihimas ngayon sa kanyang misis. At habang abala sa sabong si Mister, si Misis naman ay abala rin sa pakikipagsabong sa iba. Patay kang bata ka!
Ayon sa aking bubuwit, ang magandang manugang ng jueteng lord na sumama sa kanyang tauhan ay walang iba kundi si
Naku, doktora pala ito, kaya naman pala punung-puno pa ang asim nito.
Kahit may mga anak na ay maganda, sexy, matangkad, nagmumura ang mga bumpers, makinis at parang si Rossana Roces, flawless pa rin.
Kaya naman pala nademonyo ang tauhan ni Jueteng lord. Ang pinagtataka lamang daw nitong si Jueteng lord, pangit naman daw itong kanyang tauhan eh dito pa sumama ang kanyang doktorang manugang.
Wala po sa hitsura yan, nasa performance yan.
Ayon sa aking bubuwit, ang jueteng lord na inahas ng kanayang tau-han at itinanan ang kanyang magandang manugang ay si
Siya ay si Jueteng Lord M.C. as in Madam Caring.