^

PSN Opinyon

Panahon ng pagkakaisa at pasisimula

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
PAGKATAPOS ng mahabang paghihintay at matiyagang pagsunod sa mga debate at diskusyon sa Joint Session ng Kongreso, natapos na ang canvassing para sa presidente at bise presidente. Naging saksi tayo sa mga madamdamin, mainit at matagal na pagtatalo at pagde-debate ng mga Senador at Kongresista. Sa wakas ay naiproklama na ang dalawang pinamakataas na opisyal ng bansa na mamumuno sa mga susunod na taon.

Mahalaga na sa isang demokrasya ay dumadaan tayo sa mga proseso gaya ng nakaraang eleksyon at ang sumunod na canvassing sapagkat bahagi ito ng ating pulitikal na pag-unlad. Ngayon, mas mulat na ang buong bansa sa proseso ng canvassing at ang mahalagang papel ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa proklamasyon ng presidente at bise presidente.

Sa nakaraang eleksyon, muling nagkaroon ng pagkakahati-hati sa bansa at ito marahil ang isa sa mga kritikal na kailangang pagtuunan ng pansin hindi lamang ng administrasyong Arroyo kundi pati tayo bilang mamamayan. Maraming sugat ang nilikha ng nakaraang eleksiyon subalit ang mga pangyayaring pulitikal ay nakalipas na at ang mahalaga ay muli tayong magkaisa.

Sa pagpili ng mga nasyonal at lokal na opisyal na mamumuno sa atin sa susundo na tatlo at anim na taon ay ibinigay natin ang ating tiwala at kaakibat nito ay ang ating suporta sa mga proyekto at programang ipapatupad para sa kabutihan ng lahat.

Tapos na ang eleksiyon, panahon na ng pagkakaisa upang muling umunlad ang ating bansa. Napakaraming kailangang gawin at makabubuting magtulung-tulong ang lahat para sa kabutihan ng ating bansa.

JOINT SESSION

KONGRESISTA

KONGRESO

MAHALAGA

MARAMING

NAPAKARAMING

NGAYON

SENADOR

TAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with