^

PSN Opinyon

Guwapong aktor balik na naman sa ehab

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ibinalik na naman sa drug rehabilitation center ang guwapong aktor?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson ng Ilocos Sur; Gen. Danny Mangila ng TMG; Bro. Atty. Biyong Garing, Dra. Juanita Lee ng Lourdes Hospital at Menardo ‘‘Eming’’ Quijano ng Nueva Ecija.
* * *
Alam n’yo bang ibinalik na naman sa drug rehabilitation center ang guwapong aktor na anak din ng mga artista?

Ayon sa aking bubuwit, talagang mahirap nang magbago ang actor na ito sapagkat bumalik na naman sa kanyang bisyo.

Ang lubos pang ikinalungkot ng kanyang mga magulang, parang sira na ang ulo ng aktor. Siya ay nagsasalitang mag-isa. Para na siyang praning at hindi na rin inaayos ang sarili.

Siya ay pumayat nang husto at pati kulay ng kanyang kutis na dating mestisuhin ay nag-iba na rin.

Ano kaya ang problema ng batang ito? Problema niya kaya ang mga magulang?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala biglang nawala na naman sa sirkulasyon ng showbiz si Aktor ay sapagkat ipinasok sa rehabilitation center.

Noong April ay dinala ang aktor sa Center for the Ultimate Rehabilitation of Drug Dependents (CUREDD) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Siya ay mananatili roon ng mula anim hanggang isang taon depende sa pagbabago ng kanyang kondisyon. Siya ay kasama sa isang brigada na binubuo ng 25 drug addicts.

Naku, ang dami pala nilang adik-adik sa naturang rehab, umaabot sa 2,500 katao.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang mga classmates pala ng aktor sa CUREDD ay kinabibilangan din ng mga anak ng mga sikat at maimpluwensiyang katao. Kabilang na rito ang mga anak mayayaman at maging mga anak ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa aking bubuwit, makalipas ang dalawang buwang pananatili sa drug rehabilitation center ng aktor, ito ay meron namang malaking pagbabago. Siya ay mabait naman sa loob, sumusunod sa mga regulasyon at marunong ding makisama sa kapwa drug addicts.

Ayon sa aking bubuwit, ang aktor na ibinalik na naman sa rehab ay anak ng dalawa ring artista at pulitiko. Ang kanyang mga magulang ay pareho ring artista. Pareho ring pulitiko subalit sila ay hiwalay na at meron nang sariling pamilya.

Siya ay napabayaan ng mga magulang at nalilito rin siya kung sino sa kanyang mga ama at ina ang titirhan.

Ang aktor na balik droga at balik rehab na naman ay si actor F.M.

vuukle comment

AKTOR

AYON

BIYONG GARING

CAMP BAGONG DIWA

CENTER

DANNY MANGILA

DRUG DEPENDENTS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with