Ang paksang nakasusuya nang talakayin

LAMPAS na sa isang milyong boto ang lamang ni Presidente Arroyo sa kanyang katunggali sa pagka-pangulo na si Fernando Poe Jr. Ito ay batay sa resulta ng canvassing sa Kongreso kamakalawa ng madaling araw. Hindi ito matatanggap ng oposisyon na naniniwalang"nandaya" ang administrasyon.

I’ll try to stand on a neutral ground sans any personal opinion on whether the polls were tainted with massive frauds or not.


Nasusuya na akong talakayin ang paksang ito pero kailangan. Kaya sumilip tayo ng ibang anggulo ng isyu na magiging interesado pa ang mga mambabasa. Let us delve on the "what if" angle of the issue. Halimbawang nagtagumpay ang oposisyon sa pagpigil sa canvassing at walang maiproklamang pangulo, ano ang mangyayari sa ating bansa? Ang dulo nito’y tiyak na street protest. Exceptional case ang EDSA I nung 1986. May diktaduryang nilansag para bawiin ang demokrasya.

Sinasabing naibalik ng EDSA I ang demokrasyang siniil nang mahabang panahon ni Marcos. Naririyan na ang mga demokratikong institusyon na dapat sandalan, igalang at kilanlin ng mamamayan. Sa kabila niyan, nagkaroon ng EDSA II at ang nabigong EDSA III na nagtangkang ibalik si Joseph Estrada sa kanyang trono sa Malacañang. Kailangan pa bang magkaroon ng EDSA 4? Ang ginagawang delaying tactic ng kampo ni Fernando Poe sa canvassing ay malinaw na iyan ang pinatutunguhan. Inabuso ang pribilehiyo sa pagsasalita sa harap ng joint canvassing committee upang mabalam ang bilangan, nagharap ng sari-saring akusasyon laban sa administrasyon without the benefit of due process at kamakailan, nag-walk out sa sesyon ang mga abogado ni Fernando Poe Jr.

Kung totoong demokratiko ang ating bansa, idaan sa tamang hak- bang ang mga dapat ga-win. Bayaang mairaos ang bilangan at makapagproklama ng Pangulo sa Hunyo 30. Kung inaakala ng oposisyon na kaduda-duda ang resulta at mayroon silang ebidensyang magpapatibay sa alegasyong pandaraya, duon sila gumawa ng karampatan at legal na aksyon. May Korte Supremang puwedeng dulugan na aaktong electoral tribunal upang umaksyon sa ganyang kaso. Kung hindi natin paniniwalaan ang ating Mataas na Hukuman, para que pang tinatawag nating demokratiko ang ating bansa? Sa panghihikayat ng destabilisasyon, baka lalo lamang binibigyan ng dahilan ang administrasyon para gumawa ng marahas na hakbang tulad ng pag-dedeklara ng batas militar na ayaw na nating mangyari dahil mayroon na tayong masaklap na karanasan diyan.

Show comments