Ayon sa history books, nung nag-banca si Rizal sa Danube River mula Vienna, napadpad siya sa Linz, Austria, na tinuturing ni Hitler na hometown. Pumasyal din si Rizal sa Munich at Nuremberg, mga pugad ng Nazi party. Pebrero1886-Mayo 1887 niya inikot ang German Empire sa may Austrian border, bago tumuloy sa Switzerland nung Hunyo 1887. Bumalik si Rizal sa Europe mula Mayo 24, 1888-Oktubre 18, 1891. Inikot niya ang London, Paris, Brussels, Madrid, Biarritz at Ghent. Kuwenta naroon siya mula nang i-conceive hanggang isilang si Hitler. Nung 1888 sa Japan, nagka-affair si Rizal sa Haponesang Seiko Usui, na nagkaroon ng unica-hija, si Yuriko, sa isang dayuhan matapos mag-break kay Rizal. Napangasawa ni Yuriko ang anak ng isang politikong Hapon.
Pagsamahin ang kasaysayang Hitler at Rizal, at ito ang maiisip:
Maaring "inasembol" si Hitler nung 1887, nung dumaan si Rizal sa Linz o mga kalapit-bayan tulad ng Brunn. Bakit nawala ang diamond stickpin? At sino yung maid na nakahanap nun sa hotel at nag-abot kay Blumentritt, na nagpadala sa Vienna? Di bat nag-maid ang ina ni Hitler sa Vienna nung panahong yun? Kung sakali, baka fictitious ang kuya at ate ni Hitler, para pagtakpan ang pagbubuntis sa kanya. Malamang si Hitler ay sinilang bago mag-1889.
Kung hindi, baka na-conceive si Hitler nung Agosto 1888, habang nasa London umano si Rizal. O Setyembre 1888, habang nasa Paris siya nang isang linggo (para makipagkita kay Klara Polzl, ina ni Hitler?). Baka naglagi siya sa Paris nung 1889 para mas madaling makipag-sulatan kay Klara, na nooy buntis na. O baka nagbunga ang romansa sa gawing Linz, kaya yun ang tinuturing ni Hitler na tinubuang nayon.
Marami pang analysis kuno ang kaibigan ko.
(Itutuloy sa Biyernes)