^

PSN Opinyon

Adolf Rizal (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAY teyorya na anak sa labas ni Jose Rizal sina Der Feuhrer Adolf Hitler at The Great Helmsman Mao Tse-tung. Madalas natin itong marinig, pero hindi natin tinatanong kung ano ang batayan. Humahalakhak lang tayo at sumisigaw ng "Yes, the Filipino can!" Dahil birth anniversary ni Rizal sa Sabado, sinaliksik ng isang makata ang rason sa teyorya. Katuluyan:

Ayon sa history books, nu’ng nag-banca si Rizal sa Danube River mula Vienna, napadpad siya sa Linz, Austria, na tinuturing ni Hitler na hometown. Pumasyal din si Rizal sa Munich at Nuremberg, mga pugad ng Nazi party. Pebrero1886-Mayo 1887 niya inikot ang German Empire sa may Austrian border, bago tumuloy sa Switzerland nu’ng Hunyo 1887. Bumalik si Rizal sa Europe mula Mayo 24, 1888-Oktubre 18, 1891. Inikot niya ang London, Paris, Brussels, Madrid, Biarritz at Ghent. Kuwenta naroon siya mula nang i-conceive hanggang isilang si Hitler. Nu’ng 1888 sa Japan, nagka-affair si Rizal sa Haponesang Seiko Usui, na nagkaroon ng unica-hija, si Yuriko, sa isang dayuhan matapos mag-break kay Rizal. Napangasawa ni Yuriko ang anak ng isang politikong Hapon.

Pagsamahin ang kasaysayang Hitler at Rizal, at ito ang maiisip:

Maaring "inasembol" si Hitler nu’ng 1887, nu’ng dumaan si Rizal sa Linz o mga kalapit-bayan tulad ng Brunn. Bakit nawala ang diamond stickpin? At sino ‘yung maid na nakahanap nu’n sa hotel at nag-abot kay Blumentritt, na nagpadala sa Vienna? Di ba’t nag-maid ang ina ni Hitler sa Vienna nu’ng panahong ‘yun? Kung sakali, baka fictitious ang kuya at ate ni Hitler, para pagtakpan ang pagbubuntis sa kanya. Malamang si Hitler ay sinilang bago mag-1889.

Kung hindi, baka na-conceive si Hitler nu’ng Agosto 1888, habang nasa London umano si Rizal. O Setyembre 1888, habang nasa Paris siya nang isang linggo (para makipagkita kay Klara Polzl, ina ni Hitler?). Baka naglagi siya sa Paris nu’ng 1889 para mas madaling makipag-sulatan kay Klara, na noo’y buntis na. O baka nagbunga ang romansa sa gawing Linz, kaya ‘yun ang tinuturing ni Hitler na tinubuang nayon.

Marami pang analysis kuno ang kaibigan ko.

(Itutuloy sa Biyernes)

DANUBE RIVER

DER FEUHRER ADOLF HITLER

GERMAN EMPIRE

GREAT HELMSMAN MAO TSE

HAPONESANG SEIKO USUI

HITLER

JOSE RIZAL

KLARA POLZL

LINZ

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with