Trivia sa mga bayaning Pilipino (Huling Bahagi)
June 9, 2004 | 12:00am
ANG lihim ng Katipunan ay nabunyag dahil sa hidwaan ng dalawang Katipunero na nagtatrabaho sa Diaryo De Manila. Silay sina Apolinario de la Cruz at Teodoro Patinio. Para makaganti kay De la Cruz isinulat ni Patinio ang lihim ng Katipunan sa kanyang kapatid na si Honoria na tapat naman sa isang madre. Gumawa ng paraan ang madre para mangumpisal si Patinio sa paring si Mariano Gil. Ito ang nagsuplong sa mga guwardiya sibil at hinalughog ang Diario de Manila at natuklasan ang mahahalagang dokumento ng Katipunan. Inaresto ang mga katipunero.
Sa pangunguna ni Andres Bonifacio, nagpulong ang mga Katipunero sa bakuran ng tahanan ni Juan Ramos, anak ni Tandang Sora, kasabay ng pagpunit ng kanilang mga sedula at ang pangyayaring ito ay nagtala sa kasaysayan bilang "Cry of Balintawak".
Ang kauna-unahang paghahamok ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila ay noong Agosto 30, 1896 sa San Juan del Monte. Napilitang umurong sina Bonifacio sa Balara na malapit sa kinatatayuan ng ngayon ay University of the Philippines. Idineklara ang "state of war" sa Maynila, Bulacan, Batangas, Cavite, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga.
Ilan pa sa mga bayaning Pilipino na hindi gaanong nabigyan ng pagpupugay ay sina Ladislao Diwa, Roman Basa, Teodoro Plata, Braulio Rivera, Numeriano Adriano, Faustino Villaruel, Guillermo Masangkay at marami pang ibang nabuwal sa dilim ng gabi sa pakikidigma para sa inaasam na kalayaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am