Hindi natin tatalakayin ang kredibilidad ng nakaraang eleksiyon dahil alam naman natin na nagkaroon ng dayaan. Kaso ang importante ay ang realidad at base diyan sa realidad na yan ang mag-ookupa ng palasyo ng Malacañang ay si Madam Senyora Donya Gloria at hindi si Sir Señor Don Fernando Poe Jr.
Dahil sa realidad na yan, natitiyak natin na hangarin ng karamihan na sana ay magkaroon ng magandang pagbabago sa pamamalakad ni Madam Gloria para umunlad naman ang buhay ng karamihan sa ating mga mamamayan.
Kaso mahihirapan ang anumang plano ni Madam Gloria kung hindi niya makukuha ang suporta ng karamihan, lalo na ang mga lider ng oposisyon.
Para makuha niya yan, dapat patunayan niya na sincere siya sa kanyang hangarin, lalo na pag tungkol sa national unity at reconciliation.
Isang paraan para makumbinse niya tayo na sinsero siya sa kanyang mga layunin ay kung sino ang mga opisyal ng gobyerno na kanyang papalitan o papayagang manatili sa posisyon.
Importante ito dahil pag hindi niya inalis ang mga kilalang mga palpak o corrupt sa kanyang administrasyon ay umpisa pa lang ay wala nang maniniwala sa kanya. Kung ang ipapalit naman ay mga pinagkakautang niya sa pulitika pero mga wala ring gagawing matino ay masisira rin siya agad.
Dahil diyan, payagan nyo ho sana kaming banggitin ang pangalan ng ilang mga opisyales ng gobyerno na sana ay payagang manatili o di kayay i-promote.
Si Mike Defensor ng Housing ay dapat manatili dahil alam ng karamihan na hindi umakyat sa ulo ang kanyang kapangyarihan. Wala ring anomalya sa kanyang departamento at so far ay tuluy-tuloy ang mga magagandang proyekto sa kanyang opisina.
Isa pa ay si BIR Commissioner Guillermo Parayno, isang no nonsense na opisyal na alam naman nating totohanan ang ginagawang reporma sa BIR, isa sa mga notorious na ahensiya. Mukhang successful siya at dapat ituloy niya.
Si Tourism Secretary Obet Pagdanganan na ayon sa mga kawani ng Department of Tourism at Philippine Tourism Authority ay malapit sa mga ordinaryong empleyado, bagamat bago pa lang sa naturang puwesto.
Sana rin ma-promote si Immigrations Commissioner Al Fernandez na dati ring undersecretary ng Department of Interior and Local Government. Tuluy-tuloy ang pagbabago sa Bureau of Immigrations at mataas ang morale ng mga empleyado. Wala ring umaangal na turista o dayuhan, patunay na maayos ang palakad ni Al Fernandez.
Ganoon din ang hepe ng Land Transportation Office na bagamat hindi mapigilan ang pagtaas ng pamasahe dahil patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay naalis ang red tape sa naturang opisina.
Ilan lang ho yan na sana ay manatili o ma-promote. Mag-text kayo sa 09272654341 kung sino pa ang palagay nyong dapat manatili.
Ang ilan naman sa mga bagahe ni Madam Gloria na dapat paalisin agad o patalsikin ay ang mga sumusunod.
Air Transportation Office chief Nilo Jatico dahil sa mga maanomalyang mga pangyayari sa opisina niya gaya ng pamimili ng mga gintong pintura, pagbebenta ng lisensya ng pilot at marami pang iba. Siyempre kasama rin diyan ang pakikipagsabwatan niya sa COA auditor na nakatalaga sa opisina niya.
Dapat ding pag-aralan ni Madam Gloria kung dapat bang manatili si Ninoy Aquino International Airport General Manager Ed Manda. Imagine, renovation lang ng comfort rooms P45 milyon na ang halaga. Paano pa ang resurfacing ng taxiway at runway na nagkakahalaga rin ng kung ilang daang milyong piso?
Ang mga intelligence officers ng Philippine National Police na nauuna pa sa Public Information Office sa pagbibigay ng impormasyon na lumalabas puro kapalpakan pala. Puwera pa yung mga drawing nila o imbentong intelligence report.
Siyempre si Dean Barbers na kabaligtaran ni Sec. Pagdanganan. Ganoon lang ka simple, puwera pa riyan ang mga kapalpakan at mga alingasngas sa opisina niya. Sobrang dami, hindi na kakasya sa kolum natin.
Marami pa hong iba pero kulang na po tayo sa espasyo. Kayo, sino pa ang palagay nyong dapat alisin, text lang sa 09272654341.
Huwag ho kayong mag-alala, tigil lang tayo sa sobrang pamumulitika pero pagdating sa ibat ibang uri ng anomalya, bubulgar natin yan dahil galit tayo riyan. E-mail o text lang at pagkatapos nating imbestigahan at cross check, lagot kayong mga corrupt.
Ang ilan naman ay nagbigay ng tip o nagtatanong kung ang nasabing sales representative ba ay graduate ng isang kolehiyo sa Intramuros. Ang naturang sales rep daw ba ay may best friend na nagtatrabaho sa isang ahensiya sa Department of Tourism?
Sa mga tip at katanungan nyo, your guess is as good as mine, pero patunay ito na matindi talaga ang pagmamahal ng ating kaibigan sa tourism industry dahil sa matinding pagmamalasakit niya kay sales rep hindi ba? He-he-he! Gusto nyo ng clue? Isipin ko muna pero sige na nga, alam nyo ba ang letter J? He-he-he! O tama na muna yan!