Kunsintidor ang MIAA management sa kanilang tauhan
June 8, 2004 | 12:00am
WALANG aksyong ginagawa ang pamunuan ng MIAA sa pangunguna nina GM Edgardo Manda, retired General Angel Atutubo at Capt. Joey Tecson, hepe ng Industrial Security Guard sa MIAA sa isang gago nilang tauhan na nanutok ng baril habang nasa loob ng basketball court.
Si Jonald Demigillo, kasapi ng Industrial Security Guard ay nanutok ng baril sa mga players ng Star Group of Publications noong Huwebes ng gabi sa Arellano University Gym sa Legarda, Manila.
Napikon kasi si Demigillo sa laro ng basketball dahil hindi sila umubra sa mga players ng Star Group of Publications. Ika nga, hindi sila nakalamang mula nang mag-umpisa ang laro.
May malaking problema talaga ang mga Industrial Security Guard hindi lang sa larong basketball kundi sa mga taong pinatay nito noong araw. Mga arogante kasi ang iba sa kanila.
Noong mga nakalipas na taon, dedbol matapos ihilera sa daan ng ilang Industrial Security Guard ang mga taong sinasabi nilang sangkot sa carnapping sa isang lugar malapit sa Nayong Pilipino.
May isa namang ahente ng Economic Intelligence and Investigation Bureau ang binaril ng shotgun sa mukha na ikinamatay nito dahil lang sa traffic incident.
May isang tsuper naman ng kotse ang binigti raw sa kulungan ng ilang kasapi ng Industrial Security Guard matapos iwanan ang kanyang vehicle sa may arrival extension.
Ganito lang naman ang istilo ng ilang Industrial Security Guard sa NAIA kapag napipikon sila. Ika nga, parang mga berdugo kaya nakakatakot?
Isa pang hinihintay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sagupaan ng mga tauhan ng PNP at Industrial Security Guard dahil matagal nang naggigirian ang mga ito.
Parang nakikita natin na walang disiplina ang mga industrial security guard sa paliparan? anang kuwagong Kotong cop.
Mainit ba sila sa laban? tanong ng kuwagong urot.
Bakit ba nanutok ng baril si Demigillo? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Napikon sa basketball.
Hindi ba inaksyunan ng bossing ni Demigillo ang kanyang ginawa sa players ng Star?
Iba kasi ang mga utak ng mga ito busy sa kagagawa ng tsapit.
Isasampa ng mga players ng Star ang kaso sa Ombudsman, etcetera para malaman ni Demigillo ang kanyang ginawa.
Abangan natin ito, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 21, 2024 - 12:00am