^

PSN Opinyon

Huwag sanang maging mitsa ng kaguluhan ang Kongreso

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NANGANGAMBA ako na maaaring magkagulo sa ating bansa dahil sa magiging resulta ng election. Ang mga senador at kongresista na bumuo ng National Board of Canvassers ay masyadong mabagal sa kanilang tungkulin na pagbibilang ng mga boto para sa presidente at bise presidente.

Walang tigil ang mga pahayag ng kampo ni Fernando Poe, Jr. na ito ang tunay na nanalo base sa kanilang sariling pagbibilang. Dinaya raw ito ng administrasyon kung kaya’t nais nilang mapatunayan ang bagay na ito sa pamamagitan ng mahigpitang pagbubusisi sa mga ballot boxes at mga dokumentong nasa loob nito na katulad ng mga Certificate of Canvass COCs).

Papaano kung ang lumabas na panalo sa pagka-presidente sa ginawang pagbibilang ng National Board of Canvassers ay hindi si Fernando Poe, Jr. kundi si Gloria Macapagal-Arroyo? Tatanggapin kaya ng kampo ni FPJ ang resulta? Totohanin kaya nila ang bantang parati nilang isinisigaw na magtatanghal sila ng malawakang pag-aaklas kapag natalo si FPJ nang dahil sa pandaraya? Kaninong hatol naman kaya ang kanilang paniniwalaan na hindi dinaya si FPJ?

Ipagpalagay na natin na gawing totoo nina FPJ ang kanilang banta, hindi naman kaya ito gamitin bilang isang pagkakataon upang pumasok sa eksena ang mga terorista at mga iba’t ibang grupo na ang hanap lamang ay ang maghasik ng kaguluhan sa ating bayan? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni GMA sa mga ganitong senaryo? Hindi kaya siya magdeklara ng martial law o magtanghal ng military rule o may hawig sa ganitong pamamahala?

Sana nga ay makialam na ang mga respetadong pinuno ng iba’t ibang grupo upang makatulong na masupil ang anumang namumuong kaguluhan sa ating bansa. Magdasal din tayo na matanggap ng mahinahon ng mga naglalabang panig ang magiging resulta ng eleksyon.

ANO

CERTIFICATE OF CANVASS

DINAYA

FERNANDO POE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IPAGPALAGAY

KANINONG

KAYA

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with