^

PSN Opinyon

Abangan ang susunod na kabanata

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
NANGANGAMBA ako sa kalalabasan ng magkasanib na sesyon ng Kongreso at Senado bilang National Board of Canvassers sa linggong ito. Marahil ay may kinalaman ito sa mga naganap na balitaktakan nang nakaraang linggo. Sa halip na maging mabilis at maayos, naging magulo at masalimuot ang sesyon.

May pakiramdam ako na lalong magiging isang karnabal ang pagtitipon na ito ng mga mambabatas. Wala nang mahalaga sa mga ito kundi ang pansariling interes. Ewan ko kung alam na ng mga mambabatas na naiinis ang taumbayan sa napakakupad na proseso ng eleksiyon dito. Pero, umaasa ako na hindi naman sila manhid sa damdamin na ito ng ating mga mamamayan. Simple lang naman ang hinihiling ng bayan. Ideklara na kaagad ang mga nanalo sa pagka-presidente at bise presidente.

Sa mga senador at mga kongresista, isantabi na ninyo ang pulitika. Hindi kayo nagtitiwala sa isa’t isa nang dahil sa pulitika kung kaya’t ang pinoprotektahan ninyo ay ang mga kandidato na pinakikinabangan ninyo. Mag-ingat kayo, baka kayo na ang harapin kapag hindi na makatiis ang taumbayan.

EWAN

IDEKLARA

KONGRESO

MARAHIL

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PERO

SENADO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with