Editoryal - Puro laway na lang sa Congress
May 29, 2004 | 12:00am
HUWAG magtaka kung mapuno ng laway ang Kongreso at malunod ang mga balotang dapat ay bilangin para malaman kung sino ang presidente at bise presidente ng bansa. Kapag hindi pa tumigil ang pagtatalsikan ng laway dahil sa pagde-debate, pagtatalo at pagbabangay, maaaring ang taumbayang naiinip na sa canvassing ang mag-alsa at magpakawala nang may lasong laway sa mga mambabatas. Ang pagtatalo at pagbabangay ay hindi nararapat sa pagkakataong ito na kailangang malaman kung sino ba talaga ang nanalong presidente at bise presidente. Kinakailangang sa June 30 ay manumpa ang bagong halal na pinuno ng bansa. Pero paano nga malalaman kung puro laway lang ang nagtatalsikan?
Hindi masisisi kung may mainis nang taxpayer sa nangyayaring balitaktakan sa Congress gaya ni Suzette Pido. Nairita si Pido dahil sa pagsasayang ng oras ng mambabatas na si Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen. Isinulat ni Pido ang mga kata-gang "Shut up. Youre wasting our time. Taxpayers of the Philippines". Ipinaabot ang note kay Dilangalen. Nang mabasa ni Dilangalen nagwala ito. Lalo nang nagkaroon ng pagtatalo at walang katapusang pagbabangay. Nang sawatain ng iba pang mambabatas ay lalo lamang nagwala si Dilangalen. Sampung ulit nitong sinabi ang "Shut up!" habang nagsasalita si Deputy Speaker Raul Gonzales. Bastusan na ang nangyari. Nagmistulang hinalong kalamay ang Congress.
May katwirang mainis at magalit ang taxpayers sa nangyayaring ito. Pera nila ang nasasayang. Kung may karapatan si Dilangalen na magpatalsik ng laway sa Congress sa loob ng apat na araw, mas lalong may karapatan ang taxpayer na si Pido. Noon pang Martes nagsimula ang pagde-debate sa Congress at natapos ang buong araw sa pagtatalo. Nasa joint session ang Congress at Senado at tumatayo bilang National Board of Canvassers. Ang Congress lamang ang maaaring magproklama ng nanalong presidente at bise presidente ayon sa itinatadhana ng Constitution.
Maaaring masundan pa ang ginawa ng taxpayer na si Suzette Pido kung hindi titigil ang mga mambabatas sa ginagawang pagsasayang ng oras sa pagdedebate. Ang mga taxpayers na ang mag-aalsa dahil sa patuloy nilang pag-aatrasado sa pagbibilang ng mga certificate of canvass. At maaari ba nilang sansalain ang sigaw ng taumbayan? Ipinakita na ang pagkakaisa ng taumbayan sa mga nakaraang EDSA rebolusyon at maaaring magkaganito rin kung patuloy ang mga mambabatas sa pagsasayang sa pera ng taumbayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest