Pagkabali ng buto

KAHIT sino ay maaaring mabali (fracture) ang buto. Maski ang isang matipuno at maliksing atleta ay maaaring ma-fracture ang kanyang mga buto. Pero karaniwang nababali ang buto ay ang mga may edad o ang matatanda. Sa kaunting pagbagsak o pagkadapa ay maaari silang mabalian ng buto. Maski sa minor incidents ay maaaring mabali ang buto kung ito ay mahina o malutong. Ang pagiging mahina o pagkalutong ng mga buto ay karaniwan naman sa mga kababaihang nasa menopausal period at doon sa mga may osteoporosis. Ang mga mayroon din namang osteomylacia ay nakaamba rin sa pagka-fracture ang mga buto.

Ang mga na-fracture ay maaaring mapadali ang pagpapagaling sa pinsala sa pamamagitan ng pagkain ng makatutulong sa pagpapanauli ng buto. Kabilang dito ang mga pagkaing may calcium. Bago ma-ideposit ang calcium sa mga buto, kinakailangan ang sapat na supply ng Vitamin D. Ang gatas, cheese, yoghurt at nuts ay mayaman sa calcium kaya mahusay sa pagpapanauli ng fracture na buto.

Nararapat namang iwasan ang major dietary source ng phytic acid katulad ng brown rice at bran. Pinipigil ng mga pagkaing ito ang calcium absorption. Nararapat din namang iwasan ang mga pagkaing may oxalic acid gaya ng rhubarb at spinach sapagkat napipigil ang absorption ng mineral.

Ipinapayong ugaliin ang pagkain ng mayaman sa calcium gaya ng gatas at dairy products ganoon din ang mga mabeberdeng dahong gulay at sardines. Sa mga magulang, ipamulat sa mga anak habang mga bata pa ang pagkain ng mga nabanggit para maiwasan ang paglutong ng mga buto sa kanilang pagtanda. Ganoon man, itinuturo ring dahilan sa paghina o paglutong ng mga buto ang pagkakaroon ng sakit o dahil sa matagal na pag-inom ng gamot.
* * *
Marami ang tumawag, sumulat, at nag-email sa akin kung saan mabibili ang gamot para sa blood clots na naisulat ko sa aking column kamakailan. Ang gamot ay may generic name na Lumbrokinase. Mabibili ito sa Mercury Drug at ang pangalan ay Plasmin.

Show comments