^

PSN Opinyon

Problema ng taumbayan ang pagtuunan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng jeepney at bus operators na itaas ang pamasahe. Malaki ang epekto ng pagtaas na ito sa mga ordinaryong mamamayan. Daan-daang piso rin ang madadagdag na ilalabas buwan-buwan ng mga namamasahe upang makarating sa kani-kanilang pinapasukang trabaho at makauwi sa kanilang mga tirahan.

Hindi rin naman masisisi ang mga jeepney at bus operators na humingi ng pagtaas ng singil sapagkat tumaas na rin ang presyo ng gasolina at diesel. Dapat din silang unawain na matagal nang nararapat na magtaas ng singil ang mga pampublikong sasakyan sapagkat ilang ulit nang nagtaas ng gasolina.

Kitang-kita ang mahirap na kalagayan ng ating mamamayan. Gipit na gipit subalit hindi makaangal. Ang mga negosyante naman ay nalalagay din sa alanganin sapagkat karamihan sa kanila ay hindi rin kumikita at ang iba nga ay malapit nang magsara. Kung madadagdagan pa ng gastusin saan pa pupulutin ang mga ito? Kaya kapag nagsara na ang mga factory at iba pang negosyo, lalong dadami ang mga mawawalan ng trabaho.

Nasa kritikal na kalagayan ang pamumuhay sa bansa. Madaling sabihing ekonomiya raw ang problema natin dito. Subalit ang hindi nila seryosong pinag-uusapan ay ang tungkol sa kinikita ng karaniwang Pinoy. Sapat ba ang kanilang kinikita upang ibuhay sa pamilya. Sa uupong presidente, mahalaga na mabigyan ng solusyon ang problemang

vuukle comment

DAAN

DAPAT

GIPIT

KAYA

KITANG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MADALING

MALAKI

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with