Saludo tayo kay Vice Admiral Ernesto H. de Leon, Flag Officer in Command ng Philippine Navy dahil tunay na trabaho militar kung umayuda ang mga ito.
Matindi ang accomplishment ng PN hindi lamang ngayon taon kundi maging noong mga nakalipas na henerasyon.
Luma man ang kanilang kagamitan pero ibang klase kung tumulong sa bayan.
Kahit di-tulak ang kanilang mga barko joke lang!
Wala pa kasing pondo ang gobyerno para i-modernize ang kanilang equipments.
Naubos siguro sa eleksyon? Joke, joke, joke!
Pero nangako naman si Prez GMA sa militar na bibigyan niya ng prayoridad ang kanilang modernization.
Ngayon anibersaryo ng PN may tema itong Mula sa Karagatan, Kapayapaan, Kaunlaran, Magandang Kinabukasan.
Maaasahan ang mga taga-Navy lalot para sa tao ang paglilingkod.
Hindi nagdadalawang isip sa pagtalon sa dagat para makasagip ng buhay ng nalulunod.
May bagyo man o wala.
Nakataya man ang kanilang buhay basta mabuhay lang ang kanilang tinutulungan tiyak susulong sila.
Mahusay ba ang mga scuba diving equipments ng Navy? tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Siyempre naman hasa at bihasa sila sa dagat dahil matitibay ang kanilang mga baga, sagot ng kuwagong marinong pulpol.
Battle tested ba sila? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Of course, Bro. They are tried and tested, sagot ng US Navy ng Hapon.
Baka naman puro porma lang sila pagdating sa aktuwal na aksyon wala silang sinabi?
Remember Super Ferry 14? Sino ba ang nanguna diyan kundi ang mga divers ng Philippine Navy.
Remember Oakwood mutiny? anang kuwagong Kotong cop.
Taga-Philippine Navy ang leader nito.
Iyon lang kaya pala tried and tested sila, mga kamote.