^

PSN Opinyon

Slander vs Lacuna

- Al G. Pedroche -
AYAW kong mamersonal pero sa iniaasal ni incumbent Manila vice mayor Danny Lacuna, sana’y huwag siyang manalo. Nang malathala sa diyaryo ang balitang gusto siyang ipailalim sa lifestyle check dahil sa mga pag-aari niyang hindi tugma sa sinasahod niya bilang bise alkalde, lahat ng diyaryong naglathala nito’y idinemanda niya ng libelo. Nabatikos ko na iyan sa kolum na ito.

Ang sumunod na eksenang ginawa ni vice mayor ay ang pagwawala niya sa Ninoy Aquino Standium na pinagdarausan ng canvassing ng mga boto sa Maynila. Dahil hindi niya nagustuhan ang sistema ng bilangan, dinuru-duro niya at pinaulanan ng mura ang isang mataas na opisyal ng Western Police District na si Supt. Ernesto Ibay.

Ayon kay Ibay, hindi awtorisado sa loob ng canvassing center ang sino mang kandidato kaya sinabihang umalis si Lacuna. Pero imbes na sumunod, katakut-takot na mura ang ibinuga ni Lacuna sa mukha ni Ibay. Dahil diya’y nagsampa ng kasong grave slander si Ibay laban kay Lacuna.

Hindi ko masyadong kilala si Lacuna. Pero may maganda akong first impression sa kanya lalu na sa mga nagkalat niyang posters na nagsasabing "Get high on God not on drugs." Sabi ko, maka-diyos na tao siguro ang opisyal na ito. Napatunayan ko ngayong, dekorasyon lang pala sa labi ni Lacuna ang ganyang mga maka-diyos na pananalita.

Peligroso ang ganyang tao. Dapat na slogan niya ay "get high on power". Nakatikim ng konting kapangyarihan, kung umasta’y parang diktador na. Wala akong magagawa kung manalo siya. Pero kung mangyayari iyan, ako ang unang malulungkot para sa mga taga-Maynila. Paano kung maging Mayor pa iyan?

AYON

DAHIL

DANNY LACUNA

DAPAT

ERNESTO IBAY

IBAY

MAYNILA

NINOY AQUINO STANDIUM

PERO

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with