Water brothers mafia sa Bureau of Customs

NAKALUSOT sa mga matatalim na matang duling ng National Anti-Smuggling Task Force ang shipment ng Water brothers sa MICP noong nakaraan linggo.

Misdeclaration ang kargamento ng Water brothers.

Kaya technical smuggling ang kaso ng mga gago.

Ang PNP-CIDG, ang kumalawit sa epektos ng Water brothers ng ipinuslit ito palabas ng MICP.

Sa Section 10 (Hardware), ito prinoseso pero iba pala ang laman ng container van ng Water brothers.

Halo-halo ang mga laman ng van ng Water brothers puro galing China.

Dito maraming ginago ang Water brothers na taga-bureau dahil hindi sila nagsabi ng totoo sa kanilang declaration.

Pero masaya pala ang mga dinaanan ng dokumento ng Water brothers nagtatalunan at nagtatawanan kasi may tsapit palang involve para malaya itong makalabas sa MICP.

Kaso naamoy ng mga taga-CIDG ang katarantaduhang ginawa nila kaya huli bago pa nila mai-deliver ang shipments sa real owner.

Para kasing doberman sa pangamoy itong mga taga-CIDG lalo’t alam nila malulugi ang gobyerno versus smugglers.

Matindi ang Water brothers sa smuggling operations dahil kayang-kaya nilang bulagin sa pamamagitan ng pitsa ang sinumang haharang-harang sa kanilang lalabasan.

Ika nga, money blinds everyone?

‘‘May decoy palang ginamit ang Water brothers para mapaling sa ibang paningin ang CIDG,’’ anang kuwagong Kotong cop.

"Bakit?’’

‘‘Hindi lang pala isa ang nakalabas sa shipment ng Water brothers,’’ sagot ng kuwagong bulog na masahista.

‘‘Marami palang containers.

‘‘Kapos lang sa espasyo ang Chief Kuwago sa Martes abangan ang kasunod na kabanata mga kamote.

Show comments