Kakaibang medical device

NAKAPAGPAPATABA ng puso ang mga pasasalamat na tinanggap ng inyong lingkod kaugnay sa paglalathala dito sa BANTAY KAPWA tungkol sa mabisang medical device na Jade Nano-Cera Mattress. Marami ang natulungan ng tinaguriang miracle mat gaya ng isang regular reader ng Pilipino Star Ngayon sa Los Angeles, California na nagpabatid sa kanyang kapatid tungkol sa Jade-Nano-Cera Mattress. Ang kapatid ni Ambrosio Baltazar, residente ng Novaliches, Quezon City, ang humikayat sa kanya na magtungo sa klinika nina Dr. Romy Orteza sa Rm. 1-A ng Santa Teresita Generel Hospital sa Quezon City. Si Ambrosio ay 51 taong tulang at matagal na may chronic low back pain na tinagurian ng mga orthopedic surgeons na tumingin kay Ambrosio na lumbar spondylosis bunga ng napinsalang lumbar vertebrae. Namanhid ang mga paa at hirap siyang gumalaw sa sobrang sakit ng kanyang balakang.

Limang higa lang sa Jade Nano-Cera Mattress ay nakadama siya ng ginhawa. Sumigla siya at nawala ang pamamanhid ng mga paa at wala na rin ang pananakit ng balakang at nakapagtrabaho siya uli.

Dahil sa himalang paggaling ni Ambrosio ay siya na mismo ang naghikayat sa asawa niyang si Estela na magpatingin kina. Dr. Orteza. Dahil abala si Estela sa pagtitinda ay humina ang resistensiya niya at pinahirapan siya ng rayuma. Tatlong session lang ay bumuti na ang lagay niya. Maging ang anak nitong si Andy ay sumubok din na humiga sa miracle mat. Dahil athletic si Andy nireklamo niya ang pananakit ng likod, tuhod, binti at mga paa. Napatunayan ng mag-anak na tunay na lunas sa mga karamdaman nila ang nabanggit na mat kaya bumili sila ng Jade Nano-Cera mat na pinagamit din nila sa kanilang mga kapamilya, kayo man ay mabibigyan din ng naiibang medical device na ito. Tumawag sa 743-8767 at 0917-9191660.

Show comments