Sa pagtungo sa mga presinto ay bubulaga sa inyo ang mga taga-suporta ng ibat ibang kandidato sabay bigay ng mga sample ballots at iba pang propaganda materials at may pagkakataon din na sa mga ipinamumudmod nila ay may kalakip na pera. May mga tatanggi sa alok na bayad ng boto. May magagalit at tahasang sasabihin na hindi nila ibinebenta ang boto. May mga natutuwa at magpapasalamat sa nag-abot ng suhol. May mangingiti lang. May tahimik at hindi na lang kikibo pero palihim ding kukunin ang lagay.
Sa hirap ng buhay ngayon hindi masisi ang ilan nating kababayan na tumanggap ng pera kung hindi tigdadalawang-daan at isang libo pero mas nakararami ang mga naka-ritrato si Ninoy Aquino, ayon sa iba, tang- gapin ang pera pero ang isulat sa balota ay ang mga kandidatong pinaniniwalaan niyo na karapat-dapat na mahalal na manungkulan. Sundin ang inyong konsensiya. Gamitin ang isip at puso sa inyong constitutional right to vote.