Nakakakunsumi na iyang bulok na sistemang iyan na nakamulatan na natin sa bansang ito. Kaya tayo walang asenso. Unethical advertising ang nangyayari. Sa Amerika, usong-uso ang mga advertisement na nagsasabi kung bakit ang produktong ito ay mas magaling kaysa produktong iyon. Pero hindi nito sinisiraan ang kakompitensyang produkto bagamat binabanggit ang pangalan.
Simula nang akoy magkaisip, ganyan na ang takbo ng maruming pulitika sa bansa. Nagsisiraan at nagbabanatan ang mga politiko sa pamamagitan ng mga advertisement o kayay press release. Madalas, hinahalungkat ang mga personal na "baho" ng kanilang kalaban upang wasakin ang pagkatao sa publiko. Ang nangyayari tuloy ay nagiging personalan ang labanan.
At habang palapit na nang palapit ang eleksyon, lalung umiinit ang siraan. Sanay maging more civil ang ating mga kandidato. Sana naman, tayong mga botante ay hindi magpapatangay sa mumurahing estilo ng mudslinging dahil iyan ay estilo ng mga barbaro na kahit pinakamaruming paraan ay handang gamitin matiyak lamang ang panalo.
Yung ibang kandidato namay napipilitan lamang manira bilang ganti sa demolisyong ipinatutupad laban sa kanila ng kalaban sa pulitika. Mag-isip-isip tayo mga kababayan.
Palagay ko, kung sino ang pinakamalakas manira na gumagamit pa ng impluwensya ng media para wasakin ang katunggali ang siyang dapat ibasura at huwag tangkilikin sa eleksyon.