^

PSN Opinyon

Aral ng Semana Santa

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
NAPAKAGANDA ng pagkakataong ibinigay sa mamamayan ng ilang araw na paggunita sa paghihirap ng ating Panginoong Jesus. Kapaki-pakinabang dahil hindi lamang sa sila ay pansamantalang nakawala sa nakaiinis nang pang-araw-araw na gawain kundi nagkaroon pa sila ng sapat na panahon na magtika.

Naging matahimik at maayos ang takbo ng Kamaynilaan at ng buong bansa nitong Holy Week na nagpapatunay lamang na nangingilin din pala ang mga kriminal at masasamang-loob sa paggunita sa kamatayan ni Jesus. Malamang na marami ring mga pulitiko kasama na ang mga mangongotong sa gobyerno ang tinamaan ng mga pangaral ng Semana Santa.

Papaano naman kaya ang mga iba’ tibang kandidato lalo na ’yung mga tumatakbo dahil lamang sa pansariling interes at hindi upang tunay na magsilbi sa bayan? Tinamaan kaya sila ng katatapos na Semana Santa? Kung sabagay, baka hindi na tablan ang mga may maiitim na puso at makakapal na mukha. Subalit kami ay umaasa na sana nga ay marami pa rin ang may mga konsensiya at kabutihan pa rin ang pagpupursigihin.

Napakahirap bumalik sa trabaho matapos ng mahaba-haba ring bakasyon. Panibagong kayod na naman. Sakripisyo na naman upang kumita para sa pamilya at sa pang-kinabukasan. Buti na lamang at natutuhan natin nitong Semana Santa na walang sinabi ang pagsasakripisyo natin kung ikukumpara sa dinanas ni Jesus, di ba?

Nawa ay hindi kaagad mawala sa damdamin at kaisipan ang ginawang pagpapakahirap at pagpapakamatay ni Jesus. Maligayang pagkabuhay sa ating lahat.

BUTI

HOLY WEEK

KAMAYNILAAN

KAPAKI

MALAMANG

MALIGAYANG

NAPAKAHIRAP

PANGINOONG JESUS

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with