Mga anghel nailigtas mula sa kanilang kalbaryo
April 7, 2004 | 12:00am
AKO at ang aking mga staff sa B.S.T. Tri-Media Production, ang producer ng "BITAG" at ng "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO" ay nakikiisa sa sangka-kristiyanuhan sa paggunita ng SEMANA SANTA.
Habang marami sa mga kababayan natin ang nangingilin, marami rin naman ang patuloy na gumagawa ng kabuktutan, pang-aabuso at panlalamang.
Wala sa mga buhong na to kung ang kanilang ginagawa, KALBARYO sa kanilang mga naaagrabiyado. Bastat mahalaga sa kanila, magkamal ng maraming salapi. Ang tawag ko sa kanila, mga angkan ni HUDAS!
Marso 26, humingi ng tulong sa aming tanggapan ang isang nagpakilalang Mercy. Sa pamamagitan ng text, sinabi ni Mercy, siya raw ay tumakas sa isang videoke bar sa Calamba, Laguna.
Kasama niya raw ritong ikinulong ay mga menor de edad na ni-recruit mula sa mga lalawigan. Pinangakuan na gagawing katulong sa Maynila ngunit pagdating sa Calamba, ginawa silang GRO at prostitutes.
Dahil dito, agad na "kumilos pronto" ang aming Bitag Strike Force. Sa tulong ng mga awtoridad, sinalakay ang itinurong videoke ng aming asset na si Mercy. Ang Jims Videoke Bar na nagsilbing IMPIYERNO sa kanilang mga biktima.
Sa pag-imbestiga ng "BITAG", nalaman namin kung anong hirap at pagmamalupit ang sinapit ng mga pobreng mga "anghel." Sa kamay ito ng mag-asawang may-ari ng videoke bar. Sila ang tumpak ng halimbawa ng nalalabing kaanak ni Hudas at ni Satanas.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nailigtas na biktima. Sa wakas natapos agad ang kalbaryo nila. Naagapan ito ng "BITAG" sa tulong ng ating mga awtoridad.
Kaya mensahe ng kolum na to sa mga natitira pang kalahi ni "TANING", may panahon pa, sa inyong pagbabago. Bago kayo tuluyang mahulog sa "BITAG" ng Dagat-dagatang Apoy!
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo type BITAG <space> COMPLAINTS< space> (message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText). O di naman kaya sa aming hotline # (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.
Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M.. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.
Habang marami sa mga kababayan natin ang nangingilin, marami rin naman ang patuloy na gumagawa ng kabuktutan, pang-aabuso at panlalamang.
Wala sa mga buhong na to kung ang kanilang ginagawa, KALBARYO sa kanilang mga naaagrabiyado. Bastat mahalaga sa kanila, magkamal ng maraming salapi. Ang tawag ko sa kanila, mga angkan ni HUDAS!
Marso 26, humingi ng tulong sa aming tanggapan ang isang nagpakilalang Mercy. Sa pamamagitan ng text, sinabi ni Mercy, siya raw ay tumakas sa isang videoke bar sa Calamba, Laguna.
Kasama niya raw ritong ikinulong ay mga menor de edad na ni-recruit mula sa mga lalawigan. Pinangakuan na gagawing katulong sa Maynila ngunit pagdating sa Calamba, ginawa silang GRO at prostitutes.
Dahil dito, agad na "kumilos pronto" ang aming Bitag Strike Force. Sa tulong ng mga awtoridad, sinalakay ang itinurong videoke ng aming asset na si Mercy. Ang Jims Videoke Bar na nagsilbing IMPIYERNO sa kanilang mga biktima.
Sa pag-imbestiga ng "BITAG", nalaman namin kung anong hirap at pagmamalupit ang sinapit ng mga pobreng mga "anghel." Sa kamay ito ng mag-asawang may-ari ng videoke bar. Sila ang tumpak ng halimbawa ng nalalabing kaanak ni Hudas at ni Satanas.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nailigtas na biktima. Sa wakas natapos agad ang kalbaryo nila. Naagapan ito ng "BITAG" sa tulong ng ating mga awtoridad.
Kaya mensahe ng kolum na to sa mga natitira pang kalahi ni "TANING", may panahon pa, sa inyong pagbabago. Bago kayo tuluyang mahulog sa "BITAG" ng Dagat-dagatang Apoy!
Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M.. At panoorin ang programang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest