^

PSN Opinyon

Mabisang medical device (Huling Bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAIIBANG medical device ang Jade Nano-Cera Mattress na nagpapalakas sa immune system ng katawan at nakapagpapagaling ng maraming sakit. Ang Jade Nano-Cera Mattress ay gabay sa kalusugan at maraming sumulat at nagpasalamat sa Pilipino Star NGAYON sa paglalathala sa sinasabing ‘‘miracle mat.’’

Si Adrian Feliciano ng Nueva Ecija ay tatlong taon na nagtitiis ng sakit ng balakang. Pagmatagal na nakaupo ay hirap siyang tumayo. Mahina ang tuhod niya palaging tumataas ang uric acid at cholesterol niya. Isang kapitbahay na nagpagamot at napagaling ang nagsama sa kanya sa klinika nina Dr. Romy Orteza. Dalawang higa lang sa ‘‘miracle mat’’ ay nakadama na si Mr. Feliciano ng ginhawa. Sa ngayon ay hindi na sumasakit ang kanyang balakang kahit matagal siyang nakaupo ay hindi na siya nahihirapan tumayo. Bumaba na rin ang kanyang uric acid at cholesterol.

Ang 48-anyos na si Sonia Tan ng Bangkal Makati City ay sobrang pagpawisan at madaling uminit ang ulo. Ayon sa kanyang OB-Gyne dala iyon ng kanyang pagme-menopause. Pakiramdam ni Sonia ay bumaba ang kanyang matris. Apat na higaan lang sa Jade Neno-Cera Mat ay bumuti na ang pakiramdam niya. Maganda na siyang kumain. Tuloy pa rin ang session niya kina Dr. Orteza.

Si Ferdie dela Cuesta ng Bustos, Bulacan ay na-stroke noong isang taon kaya hindi na makalakad. Nakadama siya ng pagkaawa sa sarili dahil nagmistula siyang walang silbi. Nang mabasa niya sa PSN ang tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress ay agad siyang tumawag sa 7438767 at nagtungo sa Sta. Teresita General Hospital sa Quezon City at sumailalim sa gamutan nina Dr. Orteza at mga kasamang doktor. Matapos ang limang session ay unti-unti na siyang nakalakad. Isa pang himala para sa kanya ay ang muling pagtayo ng kanyang pagkalalaki na labis ding ikinalugod ng misis niya.

ANG JADE NANO-CERA MATTRESS

BANGKAL MAKATI CITY

DR. ORTEZA

DR. ROMY ORTEZA

JADE NANO-CERA MATTRESS

JADE NENO-CERA MAT

MR. FELICIANO

NUEVA ECIJA

PILIPINO STAR

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with