Mga pagkakatiwalaang ahensiya ng gobyerno
March 30, 2004 | 12:00am
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa LTO office diyan sa may Coastal Mall sa Parañaque City. Masyadong accommodating si Leonie M. Calo ang kanilang bossing. Hindi nagkamali si NCR LTO bossing Nestorio Gualberto, sa pagtalaga kay Calo.
Malakas ang PR ni Tita Leonie. Nagulat ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng makitang personal siyang nagbibigay ng lecture sa mga baguhang motoristang gustong kumuha ng drivers license. Malinis ang paligid ng kanyang opisina at maaliwalas kung ihahambing sa ibang offices ng gobyerno na napakabaho at napakaruming tignan.
Magalang at makatao ang kanyang mga tauhan. Serbisyo militar ang hatid sa mga taong gustong humingi ng tulong. Walang fixer na nakakalat sa loob ng LTO office ni Leonie. Pulitiko ang dating ni Leonie nakakatuwa siyang kausap dahil magalang at malumanay magsalita. Ika nga, walang hangin sa katawan.
Nagpapasalamat tayo sa mga tauhan ni P/Supt. Feliciano L. Fernandez, bossing ng CRIV na sina SPO4 Rebecca P. Comia, at NUP Susana B. Bugay.
Natulungan at inasikaso ng mga ito ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO sa pagkuha ng police clearance. Natutuwa ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa magandang sistema ng kanilang tanggapan.
Mabilis pa sa kidlat ang pagkuha ng police clearance, walang hassle basta wala kang record.
Dapat palang saluduhan ng mga tao ang dalawang opisinang binanggit ng Chief Kuwago, sabi ng kuwagong tiktik kala-wang.
Makatao, maasikaso ang ipinakita nila sa mga taong humihingi ng tulong, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sana lahat ng tanggapan ng gobyerno ay ganito.
Walang red tape sa dalawang opisina.
Palakpakan natin ang mga tauhan ni P/Supt. Fernandez at Leonie Calo ng LTO.
Dapat lang pasalamatan sila kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended