^

PSN Opinyon

Paliwanag ni Vice Mayor Marion Andres

- Al G. Pedroche -
TINAWAGAN ako sa phone ni Marikina Vice Mayor Marion Andres. Galit sa naisulat natin sa diumano’y pakikipaglaban niya para sa legalisasyon ng jueteng. Tumatakbo para sa panibagong term bilang vice mayor si Andres na isang medical doctor by profession. Pero in due time, plano ni Vice na humirit sa pagka-mayor. Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na hanggang bise alkalde lang ang naabot.

In the interest of fair play,
bibigyang daan ko ang ano mang napag-usapan namin sa telepono bagamat mas mabuti kung personal siyang susulat sa atin. Aniya "hindi ako kunektado sa kanino mang gambling lord at hindi ko iniendorso ang legalisasyon ng jueteng". Ang pinupuna lang daw niya ay bakit pinagdidiskitahan ang sugal ng mga mahihirap habang namamayagpag ang sugal ng mga mayayaman sa ilalim ng PAGCOR at PCSO. Well taken. But still, I’d take such statement as tacit endrosement of jueteng, bagay na hindi natin pinapaboran porke yung pambili ng bigas at ulam ng isang maralita ay baka maipatalo pa sa sugal at lalung kakalam ang kanyang sikmura. Yung mga mayayamang mahilig magsugal, bayaan na lang kung gusto nilang waldasin ang kanilang yaman.That’s the risk they have to take and the consequence they have to face for their misdemeanor. Anyway...

Sabi pa niya, sa panahon ng panunungkulan niya’y marami na siyang naipakulong na sangkot sa droga. Walang sinasanto pati sariling kamag-anak na ngayo’y nasa kalaboso na rin. Okay iyan at saludo tayo. Ngunit dagdag na hataw pa marahil dahil laganap pa rin ang pangangalakal ng droga sa lungsod batay sa mga reklamong tinatanggap natin.

Kung may bahid politika man ang ilang naipapasa sa ating impormasyon, siguro’y dapat ding magsuri ang isang inaakusahan sa halip na magalit. May kasabihang kung may usok, may apoy. Baka may nagagawa kayong puwedeng bigyan ng negatibong kahulugan.

Kahit Presidente pa ng Pilipinas ay hindi libre sa batikos. That is the price a leader has to pay. Whether concocted or real, accusations are not to be dismissed outright by any public official. Kahit the burden of proof is on the accuser, di puwedeng magsawalang-kibo ang inaakusahan because silence may be misconstrued as admission of guilt. Salamat sa mabilis na pagresponde ni Vice. If you have anything more to say, Vice Mayor, feel free to write me basta’t kasing-haba lang ng kolum na ito para mabigyang daan ko nang buong-buo.

ANDRES

ANIYA

AYAW

GALIT

KAHIT

KAHIT PRESIDENTE

MARIKINA VICE MAYOR MARION ANDRES

NGUNIT

PERO

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with