Ayon sa aking bubuwit, 54 days na lang at eleksyon na.
Happy birthday muna kay DOTC Sec. Larry Mendoza, at Gov. Pedro Bacani ng Quirino.
Ayon sa aking bubuwit, galit na galit ang isang anak na lalaki ni Mr. Senator nang malaman nitong may relasyon pala ang kanyang kapatid sa isang opisyal ng pamahalaan. Bulgar na ang kanilang relasyon sa DPWH at maging sa probinsiya ng senador.
Paano naman kasi, hindi sila discreet sa kanilang pagdi-date na dalawa. Sila ay pinagkukuwentuhan ng kanilang mga driver habang nasa loob ng hotel ang dalawa. Ang kanilang mga driver-bodyguard ay naghihintay naman ng maghapon sa parking lot ng hotel. Paboritong puntahan ng dalawa ay Philippine Plaza Hotel at EDSA Shangri-La Hotel.
Ayon pa sa aking bubuwit, kalat na ang relasyon ng dalawa hanggang sa makarating ito sa isang anak ni Mr. Senator. Sinasabihan niya ang kapatid na makipaghiwalay kay Mr. DPWH official.
Ayon sa aking bubuwit, ang magandang anak ng senador ay si Miss P. as in Panday. At ang DPWH official ay walang iba kundi si siya ay pogi at bigotilyo .
Siya ay si DPWH Asst. Sec. R. as in Romeo.